Silipin Ang Nakamamanghang Modern Looking Bungalow House Ng Aktor Na Si Marvin Agustin

Si Marvin Agustin, ay isang aktor na kinilala mula pa taong 90’s, at maging hanggang ngayon ay hindi matatawaran ang galing niya bilang isang artista. Hindi nga lang siya isang magaling na artista, dahil maliban dito ay isa na ring mahusay na businessman ang aktor.



Bilang isang artista at businessman ay masasabi nga natin na malayo na ang narating sa buhay ni Marvin Agustin, at ang bawat tagumpay niya sa buhay ay makikita natin sa bunga ng kanyang pinagpaguran at ito ay ang kanyang napakagandang tahanan na matatagpuan sa White Plains, Quezon City.
Image Credit via Google
Ayon sa aktor ang kanyang 70s Bungalow house, ay ipina-renovate niya sa tulong ni Cathy Saldaṅa, ang isa sa mga nagco-designed sa kanyang restaurants, upang mas mabigyan ng buhay ang kanyang tahanan.
Image Credit via Google
At talaga nga namang sa nangyaring renovation ay masasabi kung gaano kaganda ang tahanan ng aktor, lalo na ang backyard pool nito na talaga namang napakaganda lalo sa gabi dahil sa mayroon itong Color-Logic Pool Led lightning system nag-iiba-iba ng limang mga kulay.
Image Credit via Google
Narito at silipin natin ang napakagandang tahanan ni Marvin Agustin;
Living Area – kung titignan nga ang living room set-up ay tila ang naging inspirayson sa pag-ayos nito ay tulad ng mga hotel sa paris.
Ang mga pader ay napipinturahan ng bluish-gray color, kung saan ay may mga malalaking painting din na nakasabit dito. Mapapansin rin na very minimalist rin ng living area, at karamihan sa mga kagamitan na makikita rito ay dinesnyo nina Djer Paras at Budji Layug.
Dining Area – makikita naman agad ang dining area na nasa bandang gilid lang ng living area, kung saan ay isang moderno at napakagandang ilaw ang nagbibigay liwanag sa hapagkainan.
Image Credit via Google
Ang disenyo ng dining area ay may pagka-classic at moderno. Ang dining table ay mula umano sa Komodo, at mula naman sa Kenneth Cobonpue ang mga leather na upua, tall plants at ang drum pendant lamp.
Hallway – makikita naman sa hallway ng tahanan ng aktor ang mga nag-gagandahang artwroks at furnitures.
Image Credit via Google
Bedroom – napakarelaxing naman ng bedroom area ng aktor, dahil sa pagkakaroon nito ng glass door kung saan ay tanaw mula rito ang tanawin sa likurang bahagi ng kanyang tahanan kung nasaan ang napakagandang swimming pool. Tila isa rin itong hotel suite dahil sa interior design nito.
Image Credit via Google
Den – mayroon ding den ang tahanan ng aktor, kung saan ito ay nakukulayan ng beige at brown, at makikita rito ang three-seater couch, armchair at painting of a vintage Volkswagen Beetle.
Image Credit via Google
Noong nga ay nabanggit ng aktor na ang kanyang magiging tahanan ay magiging isang Two-storey Modern-Italian house.
“Modern, for sure. May pagka-Italian ‘yong style. It’s going to be a two-storey house”, saad nga ng aktor.
Nang tanungin naman noon ang aktor, kung paano niya ide-described ang kanyang magiging tahanan ay ito ang kanyang naging tugon.”



“Masarap kasi na ‘yong mga pieces na nasa bahay mo… through the years, naipon mo. Hindi ‘yong parang ibinagsak lang ng designer o minadali para matapos. So, dahan-dahan. Konti-konti.”
Ngayon nga na nasilip natin ang magandang tahanan ni Marvin Agustin, nakakuha ba kayo ng ibang mga ideya kung paano pagagandahin pa ang inyong mga tahanan?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *