Silipin Ang Napaka Gandang Tahanan Ng Dating Aktres Na Si Michelle Madrigal Woolfolk

Marami na tayong mga tahanan ng mga artista ba Sinilip sa kani-kanilang mga vlog, kung saan ang iba sa mga tahanan ng mga ito ay bunga ng kanilang pagtatrabaho sa showbiz at talagang pinag-ipunan nila.



Muli ay isang tahanan na naman ng aktres ang ating masisilip, at ito nga ay ang simpleng tahanan ng aktres na si Michelle Madrigal.
Image Credit via YouTube/Michelle Madrigal
Nito ngang nakaraan lamang ay pumatok sa mga netizens online ang ginawang video-house tour ni Michelle, kung saan ay masaya niyang ipinasilip ang kanyang tahanan na siyang tirahan nila ngayon ng kanyang asawa at anak na si Anika Austin.
Image Credit via YouTube/Michelle Madrigal
Sa Youtube channel nga ng aktres, ay ibinahagi niya ang kanyang video-house tour, kung saan ay kasama niya sa pag-ikot sa kanilang tahanan ang kanyang napaka-cute na anak na si Anika.
Image Credit via YouTube/Michelle Madrigal
Makikita nga sa unang bahagi ng house-tour vlog ng aktres, na nakatayo siya sa front door ng kanilang bahay kasama ang anak niyang si Anika Austine. Sa bungad pa lamang ng kanilang tahanan, ay agad makikita sa may tabi ng kanilang pintuan, ang isang halaman na kung tawagin ay “money tree”.
Image Credit via YouTube/Michelle Madrigal
Ayon sa aktres, ang halaman na ito ay isa sa mga halaman na nagbibigay buenas umano sa isang pamilya. Sa tabi naman ng money tree, ay mapapansin ang isang pintuan, na kung saan ayon kay Michelle ay pinto iyon ng kanilang opisina.
Image Credit via YouTube/Michelle Madrigal
Ilan nga sa mga bahagi ng kanilang tahanan na ipinakita ng aktres ay ang kanilang living room, dining area at kitchen. Maliban pa nga sa mga ito, ay ipinasilip rin ni Michelle ang silid ng kanyang anak na si Anika.
Image Credit via YouTube/Michelle Madrigal
Ipinakita rin ni Michelle na ang kanilang tahanan ay mayroon ring guest room, mudroom at laundry room. Pagdating naman sa may bandang garahe ng tahanan ng aktres, ay mapapansin ang ilang mga gym equipment, kung saan ayon kay Michelle ay sa bahaging iyon siya ng kanilang tahanan madalas nag-eehersisyo.
Image Credit via YouTube/Michelle Madrigal
Ipinasilip rin ng aktres ang master’s bedroom, kung saan ay mayroong king size bed at isang ottoman bed. Sa ottoman bed umano, natutulog ang alagang aso nina Michelle.
Bago naman matapos ang house-tour vlog ng aktres, ay huli niyang ipinakita ang likurang bahagi ng kanilang tahanan, na kung saan dito umano nila plano ilagay ang swimming pool.
Image Credit via YouTube/Michelle Madrigal



Masaya naman ang aktres sa naging pagbabahagi niya ng kanilang tahanan, at makikita rin sa video na maging ang kanyang anak na si Anika ay enjoy sa ginawa nila ng kanyang mommy. Ayon naman sa aktres ay bukas siya sa mga netizens na nais magbigay ng kani-kanilang mga suhestiyon o komento, kung paano pa niya mas mapapaganda ang kanilang tahanan.
https://www.youtube.com/watch?time_continue=390&v=5HxkkWWpbYA
Si Michelle Madrigal, ay isang aktres na unang nasilayan sa telebisyon ng siya ay mapabilang sa mga naging finalist ng Star Circle Quest, na mapapanood noon sa ABS-CBN.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *