Silipin Ang Napaka Sweet At Napaka Romantic Na Prenup PhotoShoot Nina Anthony Semerad At Sam Pinto

Noon pang buwan ng Agosto taong 2019 ng ma-engaged ang celebrity couple na sina Sam Pinto at Anthony Semerad. Ang kanilang naging engagement ay naganap noon ngang silang dalawa ay magbakasyon sa bansang Australia.




Ngayong taon nga ay tuloy na tuloy na ang magiging pag-iisang dibdib ng dalawa, dahil sa pagiging abala nila sa mga paghahandang ginagawa nila para sa nalalapit niyang kasal, katulad na nga lamang ng ginawa nilang pre-nuptial photoshoot.

Photo Credit: sampinto_/Instagram

Nauuso nga ngayon sa mga nagpapakasal na bago ang mismong kanilang kasal, ay nagkakaroon muna ng prenup photoshoot, kung saan ay kinukunan ang magkasintahan ng larawan habang ipinapakita nila ang tamis ng kanilang pag-iibigan,

Photo Credit: sampinto_/Instagram

sa lugar kung saan ay espesyal sa kanila o di kaya naman ay naging parte ng relasyon nila. Ang iba naman ay piniling gawin sa mga magagandang lugar ang kanilang prenup photoshoot, upang mas maging kaaya-aya ito sa mata ng publiko.

Photo Credit: sampinto_/Instagram

At syempre hindi magpapahuli na magkaroon ng kanilang prenup photo shoot sina Sam at Anthony, kung saan ang mga matatamis at maganda nga nilang mga larawan na puno ng kanilang pagmamahalan na kinunan sa isang napakagandang beach resort ay kanilang ibinahagi sa publiko.

Photo Credit: sampinto_/Instagram

Nito nga lamang nagdaang ika-9 ng Pebrero, ay ipinasilip ng celebrity couple sa kani-kanilang Instagram account, ang kanilang mga prenup photo.

Photo Credit: sampinto_/Instagram

Sa larawan na ibinahagi ni Sam sa kanyang IG, ay tinakpan niya ito ng caption na;
“Haven’t done a shoot in ages. I felt so rusty and nervous being in front of the camera again. Plus, I did my hair and makeup! Lol. Super thanks to this awesome team who made @anthonysemerad and I feel so comfortable.”

Photo Credit: sampinto_/Instagram

Dagdag pa nito; This is the actually our first time to do a professional shoot together. Hehehe so happy how this turned out to be – a super chill, easy, beautiful shoot.”
Sa bandang katapusan nga ng caption ni Sam, ay ibinunyag niya ang takdang araw ng pag-iisang dibdib nila ni Anthony. Kung saan ayon nga sa kanyang post, ito ay gaganapin sa ika-21 ng Marso taong 2021.

Photo Credit: sampinto_/Instagram

“Countdown to 03.08.21”, ang naging pagtatapos na caption ni Sam.
Base nga sa mga larawan na ibinahagi na kuha sa naging prenup photoshoot ng celebrity couple, na talagang mahusay ang photographer team na gumawa nito, lalo pa’t buhay na buhay sa bawat larawan ang pagmamahalan ng dalawa.

Photo Credit: sampinto_/Instagram

Mapapansin rin sa suot ni Sam na white dress, na mas lalo pang lumitaw ang taglay nitong kagandahan at kaseksihan, samantalang sa suot naman ni Anthony na white long sleeve at white pants, ay lumabas rin ang taglay nitong kagwapuhan.

Sa kabilang banda, maging sa IG account ni Anthony ay makikita ang naging pagbabago niya ng mga larawan ni ni Sam sa kanilang naging prenup. At ito nga ay nilakipan naman niya ng caption na;

“Better together.” Samantala, ang mahusay naman na photographer na si Pat Dy at ang kanyang team, ang nasa likod ng napakagandang prenup photo nila Sam at Anthony, na kinuha umano sa isang napakagandang beach sa Batangas.

Sa IG account ni Pat, ay nagbahagi rin siya ng ilang mga larawan na kuha sa naging prenup ng celebrity couple. “Just a few hours’ drive from Manila, we found this gem of place in Batangas for Sam and Anthony’s engagement.




The perfect theme for them! And hopefully it inspires everyone to be active and eat healthier just like these two. It was a warm and beautiful afternoon. Our shoot was so chill, Sam even did her own makeup and hair. As for me, I went home and started doing sit-ups and skipped my brownie nut dessert. Thank you, Anthony, for that”, ang naging caption nga ni Pat Dy sa mga larawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *