Silipin ang Napakaganda At Napaka Relaxing Na Tahanan Ng Batikang TV Host-Comedian Na Si Allan K

Marami na tayong nasilip na tahanan ng mga paborito t iniidolo nating mga personalidad sa showbiz, kung saan ay talaga namang karamihan sa mga ito ay bonggang disenyo na ang iba ay tema depende sa kanilang gusto o di kaya naman ay base sa personalidad na kanilang taglay.




Bawat mga tahanan rin na ito ng mga artista, ay may mga kuwento ng inspirasyon, na kung paanong sa kanilang naging pagsusumikap sa buhay ay nagawa nilang makapagpundar ng isang napakaganda at kumportableng tahanan.

IMage Credit via Google

Batid nga natin na ang iba sa mga iniidolo nating artista ay hindi naman lumaking marangya ang buhay, bagkus ay ang iba sa kanila ay dumaan muna sa kahirapan ng buhay at dahil sa pagsisikap, tiyaga at kanilang determinasyon kaya naman natupad nila ang kanilang mga pinapangarap, kagaya na nga lamang na maipatayo ang kanilang ‘dream house’.

IMage Credit via Google

Halimbawa na nga lamang nito ay ang isa sa mga sikat na komedyante at TV host na si Allan K. Ang kanyang pangalan ay hindi na nga bago pa sa marami sa atin,

IMage Credit via Google

dahil sa tuwing atin ngang naririnig ang kanyang pangalan ay agad ngang pumapasok sa ating isipan ang kanyang husay sa pagiging isang komedyante na naghahatid nga ng kaaliwan at kasiyahan sa maraming mga manonood.

IMage Credit via Google

Maliban pa nga sa kanyang husay sa pagpapatawa ay may angkin ding talento pagdating sa pag-awit si Allan K, kaya naman talagang siya ay isa sa mga inaabangan ng maraming mga manonood sa noontime show ng GMA-7 na “Eat Bulaga.”

IMage Credit via Google

Samantala, kamakailan nga lamang ay ipinasilip ni Allan K sa kanyang mga tagasubaybay ang maganda at eleganteng tahanan na kanyang naipundar sa ilang taon niyang pagtatrabaho sa industriya ng showbiz.

IMage Credit via Google

Sa mga larawan, ay makikita na maliban sa panglabas na kagandahan na taglay ng kanyang mala-mansyong tahanan, ay napakaganda at elegante rin ng mga kagamitan na nasa loob nito.

IMage Credit via Google

Ang disenyo ng kanyang tahanan ay moderno, at marami nga ang nagsasabi na tila mala-palasyo ito dahil sa talaga namang kamangha-mangha ang taglay nitong disenyo.

Kapansin-pansin naman na karamihan sa mga kagamitan ni Allan K sa loob ng kanyang tahanan ay nakukulayan ng ‘pilak’ at ‘puti’. Mayroon din itong disenyo na magagandang kurba at hugis na sa kabila ng kasimplehan at nagbigay ng ganda rito.

Video Credit: MARS/YouTube

Ayon sa ulat, si Allan K ang mismong nagdisenyo ng loob ng kanyang tahanan, dahil ito talaga ang pangarap niyang disenyo ng kanyang bahay, at noon pa man nga ay pangarap na rin niya ang maging isang interior designer.




Si Allan K o sa tunay na buhay ay si Alan Jovaness Quilantang ay ipinanganak noong ika-1 ng Disyembre taong 1958.

Taong 1995 ng pasukin niya ang showbiz industry sa Pilipinas, at dahil nga sa kanyang taglay na talento ng pagbibigay aliw sa mga tao, ay agad siyang nakapasok bilang host ng programang Eat Bulaga, kung saan hanggang sa kasalukuyan ay mapapanood pa rin natin sya sa nasabing programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *