Silipin Ang Napakaganda At Napakasayang Pamilya Ng Dating Myx VJ Na Si Geoff Eigenmann,

Ang aktor at dating Myx VJ na si Geoffrey Alatiit Eigenman o mas kilala ng publiko bilang si Geoff Eigenmann ay lumaki sa pamilya ng mga sikat na artista, dahil ang kanyang mga magulang ay parehong magagaling actor at actress at ito ay sina Michael De Mesa at Gina Alajar.




Taong 1992, ng unang masilayan sa telebisyon si Geoff, at ito nga ay ng mapabilang siya sa Gag show noon na “Ang TV’, kung saan ay dito na rin nagsimula ang sunod sunod niyang mga proyekto sa pag-arte at maging sa pagiging isang host.

Photo Credit: blushmaya/Instagram

Hindi nga lamang ang karera ni Geoff ang maayos ngayon, dahil maging ang buhay pag-ibig nito ay napaka kulay at puno ng kaligayahan.

Photo Credit: blushmaya/Instagram

Ngayon, ay masaya si Geoff sa kanyang buhay pag-ibig kapiling ang babaeng kanyang minamahal at partner na rin sa buhay na si Maya Flores, na isang Star Music singer at kilala bilang si ‘Maya’.

Photo Credit: blushmaya/Instagram

Noong 2015 nga nagkakilala ang dalawa, kung saan ay pareho sila ng management na kinabibilangan hanggang sa nag-umpisa na nga ang tuksuhan sa pagitan nila at unti-unti itong nauwi sa tunay na pagmamahal.

Photo Credit: blushmaya/Instagram

Ibinahagi naman ng aktor kung paano nagsimula ang panliligaw niya kay Maya, hanggang sa maging sila at mabuo ang kanila ay ngayon na masayang pamilya.

Photo Credit: blushmaya/Instagram

Ayon nga sa aktor, nagsimula siyang pumunta sa mga gig ni Maya upang masilayan ito, at dito na nga rin nagsimula ang pagpaparamdam niya ng kanyang nadarama para sa Star Music singer.

Photo Credit: blushmaya/Instagram

Tuluyan ngang naging magkarelasyon ang dalawa, hanggang sa taong 2017 ay ipinanganak ni Maya ang una niyang anak ng actor at ito ay si Arabella Simone.

Photo Credit: blushmaya/Instagram

Matatandaan naman na noong 2019, ay ibinahagi ni Geoff sa kanyang Instagram ang isang panibagong chapter na magaganap sa kanyang buhay at ito nga ay ang naging proposal niya kay Maya. Makikita nga sa larawan, na yakap-yakap ni Geoff si Maya habang masaya itong ipinakita ang suot nitong engagement ring sa kamay.

Photo Credit: blushmaya/Instagram

Panibagong yugto nga naman ito na aabangan sa buhay ng aktor, ang kasal nila at buhay mag-asawa ni Maya.

“from my girlfriend, to now my fiancé, a new chapter begins #lifesentence.”
Sa parehong taon na naman ng naging proposal ni Geoff kay Maya, ay ipinanganak rin ni Maya ang kanyang pangalawang anak na pinangalanan niyang si Angus, kung saan ay nagdiwang na ito ng una nitong kaarawan ngayong taon.

Ng nakapanayam naman ang aktor sa isang episode ng Magandang Buhay, ay sinagot nito ang katanungan sa kanya ni Momshie Melai, kung gaano na siya ka-excited na pakasalan si Maya.

“Very excited. Usually kasi ang wedding para sa bride talaga eh but ako, happy na ako na pwede ko siya mabigyan ng wedding and para ma-seal na kumbaga yung relationship naming for both our kids.”




“I think, for a woman, the best thing she can receive from her partner is when her partner screams to the whole world na mahal na mahal kita at ako’y para sayo.”

Isang makulay na love story nga naman ang pag-iibigan nina Geoff Eigenmann at soon-to-be-wife nito na si Maya Flores, at mas magbigay pa ng kulay at saya sa kanilang buhay ang kanilang dalawang supling na sina Simone at Angus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *