Silipin Ang Napakaganda At Romantikong Prenup Photoshoot Ng Aktres Na Si Glaiza De Castro Na Kuha Sa Bansang Ireland

Dobleng kasiyahan ang nadama ng Kapuso actress na si Glaiza De Castro noong Christmas Eve, ito ay dahil maliban sa kasama niya ng mga oras na iyon ang boyfriend niyang si David Rainey at pamilya nito, ay hindi rin niya inasahan ang naging pag-alok ng nobyo sa kanya ng kasal.




Isa ngang nakakakilig na engagement proposal ang naganap sa naging pagdiriwang ni Glaiza ng holiday season sa Ireland kasama ang boyfriend niya at pamilya nito.
Matapos naman ang naganap na engagement proposal, ay hindi agad bumalik sa Pilipinas ang aktres, dahil sa sinulit muna nilang mag-fiancee ang bawat sandal na sila ay magkasama sa basing Ireland.

Image Credit: glaizaredux/Instagram

At bago pa man nga bumalik sa Pilipinas si Glaiza, ay minabuti na nila ni David na magkaroon na ng prenup photoshoot sa Ireland, kung saan ang photographer na si Paul Doherty ang kumuha ng kanilang mga larawan.

Image Credit: glaizaredux/Instagram

Kamakailan nga lamang ay ibinahagi sa Instagraam ni Paul Doherty ang mga magaganda at punong-puno na pagmamahalan na larawan nina Glaiza at David na kuha sa kanilang naging prenum photoshoot.

Image Credit: glaizaredux/Instagram

Ang mga larawan ngang ito ng mag-fiancee ay nilakipan ng kaibigang photographer ni David ng caption na; “Absolutely love working with these two @glaizaredux @david_rainey89”
Sa naging pahayag naman ni Glaiza sa 24-oras ay ikinuwento nito kung paano nila matagumpay na nagawa ang kanilang prenup.

Image Credit: glaizaredux/Instagram

“Since pwede naman kaminng lumabas within five kilometers from their house and apparently, may kaibigan siya or kakilala siya na photographer nan aka-collaborate namin.”
Sa Instagram nga ni Glaiza ay nagbahagi rin ito ng magkakasunod na mga larawan nila ng kasintahan na kuha noong kanilang prenup photoshoot.

Image Credit: glaizaredux/Instagram

At isa nga sa magagandang larawan ng dalawa ay kung saan makikita na pareho silang nakahawak sa surfing board habang tanaw sa kanilang likuran ang napakagandang tanawin.

Image Credit: glaizaredux/Instagram

Maliban pa nga sa kanilang mga larawan sa photoshoot, ay mayroon ding prenup video ang dalawa, na ang background na awitin ay mismong ang Kapuso actress ang nagsulat.
Samantala, wala pa namang ibinibigay na detalye ang aktres kung kailan itatakda ang kanilang pag-iisang dibdib ni David.

Image Credit: glaizaredux/Instagram




Matapos nga ang ilang taong relasyon nina Glaiza at David ay handa na ang dalawa na tumuloy sa bagong yugto ng kanilang relasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *