Silipin Ang Napakagandang Ancestral House Ng Pamilya Ng Aktor Na Si Xian Lim Na Matatagpuan Sa Antipolo

Para muling bigyan ng kasiyahan ang kanyang mga tagasubaybay sa kanyang YouTube channel ay isa namang parte ng kanyang naging buhay ang binuksan at ipinasilip ng aktor na si Xian Lim. At ito nga ay ang tahanan kung saan halos doon na rin siya lumaki.




Kamakailan nga lamang sa YouTube channel ni Xian ay kanyang ipinasilip ang tahanan nila kung saan ayon nga sa kanya ay doon siya nanirahan ng halos 10-taon. Dagdag pa ng aktor kasama niyang nanirahan doon ang kanyang Lola at mommy.

Image Credit via YouTube

Dagdag pa ni Xian talagang napakahalaga sa kanilang pamilya ng tahanan na ito, dahil nga ito ay isang ancestral house na naitayo pa noong dekada 80.

Image Credit via YouTube

Sa naging pagpapasilip ni Xian sa kanilang ancestral house ay sinabi nga niya na sa kabila ng ipina-ayos nila ito ay wala naman silang gaanong binago sa orihinal na hitsura nito. Ito ay dahil nga sa nais din nilang ma-i-preserve ang orihinal na vibe nito pati na rin ang mga alaala na nabuo ng kanyang mga ninuno sa naturang tahanan.

Image Credit via YouTube

Ayon nga sa aktor, ang ilang nabago lamang sa naturang tahanan ay ang kisame nito na kanyang pinaayos at pinataasan lamang ng kaunti para masa maging maaliwalas ang living area. Nagdagdag din siya ng isang silid, kung saan ito nga ay ang mini attic at ito nga ay ginawa niyang entertainment area.

Image Credit via YouTube

Maliban pa nga rito ay ipinakita rin ng aktor ang ilang bahagi ng kanilang tahanan, kagaya na lamang n bahagi nito kung saan nakalagay ang kanyang mga musical instruments. Ayon pa sa kanya, ay may sarili rin siyang Gym dito, para naman mapanatili niyang fit and healthy ang kanyang pangangatawan.

Image Credit via YouTube

Video Credit: Xian Lim/YouTube

Ipinakita nga rin ni Xian ang pool area, kung saan ayon sa aktor ay isa ito sa mga bahagi ng tahanan nila na talaga namang nakaka-relaks tambayan. Masasabi ngang napaka-cozy ng tahanan na ito nina Xian sa Antipolo, lalo pa’t tila halos lahat ng kailangan ng aktor sa kanyang buhay ay naroroon na.




Chika pa ng aktor, talagang pinananabikan niya lagi ang pag-uwi sa tahanan nilang ito, lalo na nga sa tuwing siya ay galing sa maraming bagay na kanyang pinagkakaabalahan, dahil nanabik siyang makasama ang kanyang mommy at lola.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *