Silipin Ang Napakagandang Bahay Ng Magkapatid Na Toni Gonzaga At Alex Gonzaga Sa Taytay Rizal

Marami nga ang naghahangad na nakapag pundar ng maganda at malaking bahay. Ngunit, makakamit lamang ito kung magsusumikap tayo sa buhay. Maging ang mga kilala nating personalidad sa industriya ng showbiz, ay nais ring makapagpundar ng sarili nilang bahay.




Kaya naman, sila’y nagsusumikap sa pag-abot ng kanilang mga pangarap upang maging matagumpay.

Image Credit via Google

Maliban dito, ang bawat salapi na kanilang kinikita sa kanilang trabaho ay inilalaan nila sa tamang bagay.Kabilang na nga sa mga personalidad na ito ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga na naging matagumpay sa kanilang karera at nakamit na ang minimithing pangarap na bahay.

Image Credit via Google

Ang magkapatid ay sikat na sikat sa bansa dahil sa kanilang talento sa pagiging mga aktres. Si Alex, maliban sa pagiging artista ay isa ring sikat na vogger na hindi maikakaila ng maraming tagahanga dahil halos umabot na ng 7 million ang kanyang subscribers sa kanyang Youtube Channel.

Walang duda na marami ang naaaliw sa kanyang mga nakakatawang mga videos. Samantala, engaged na rin si Alex sa kanyang boyfriend na si Mikee Morada.Ang aktres at host naman na si Toni Gonzaga ay kasal na sa long-time boyfriend na si Paul Soriano.

Ang kanilang pagmamahalan namin ay biniyayaan ng isang napaka cute na supling, si Severiano Elliot. Ang kanyang Youtube Channel naman ay may mahigit ng 2 Million Subscribers.Hindi maikakaila na malayo na ang narating ng magkapatid.

Kaya naman, tiyak rin na napakaganda ng kanilang naipundar na bahay. At ngayon nga, ay silipin natin ang bahay na bunga ng pagsisikap ng dalawa sa kanilang trabaho bilang artista.

Ang bagong renovate nilang bahay na matatagpuan sa Taytay, Rizal ay may sukat na 150sqm na nabili ng kanilang pamilya noong 2015. Nagpagawa nga sila ng bahay na may 4-bedrooms at swimming pool.

Ngunit, matapos ang ilang taon at nakapag-ipon na ay muli na naman silang bumili ng lupa na may sukat naman na 600sqm kung saan ay ginagawa nila ng bahay na may 2 kwarto para kina Alex at Toni.

Living Area

Image Credit via Google

Ang Living Area na sasalubong sa mga bisita ay may nakakalula ng espasyo sa lawak nito. Makikita agad ang 3 seater na sofa mula sa Imperial House of Furniture, Gifts, and Porcelain. Mayroon ang isang wooden coffee table na may ceramic horse figurine.

Kitchen Area

Image Credit via Google

Kahanga-hanga naman ang kanilang Kitchen Area dahil gawa ito sa mga wooden cabinets na may kombinasyon ng white counter. Maging ang kanilang refrigerator ay nababalot rin sa kahoy na talagang nakakadagdag ng ganda sa Kitchen at talagang ramdam ang Victorian vibe ng kanilang bahay.

Dining Area

Image Credit via Google

Pagdating naman sa Dining Area ay makikita ang kalinisan at kaayusan nito. Ang ina naman ng magkapatid na si Mommy Pinty ang nagbigay ng ideya na magkaroon ng hiwalay na main kitchen sa dirty kitchen. Sa lawak ng kanilang dining area ay kasya na ang buong pamilya, kahit pa samahan ng mga guest sa tuwing magkakaroon ng salu-salo.

Entertainment Room

Image Credit via Google

Kadalasang dito namamalagi ang kanilang pamilya upang mag relax at mag-movie marathon. Makikita rin dito ang isang L-Shape sofa, sa likod naman nito ay isang electronic piano.

Toni and Alex Room

Image Credit via Google
Image Credit via Google

Ang kanilang mga silid naman ay talagang kahanga-hanga dahil ito’y naaayon sa kanilang gusto at panlasa pagdating sa bawat disenyo. Napaka Class at elegante rin ng kanilang silid at sinumang babae ay magnanais ring magkaroon ng silid na gaya nila.

Walk in Closet

Image Credit via Google
Image Credit via Google

Malulula ka naman sa kanilang walk in closet sa dami ng kanilang kagamitan. Puno ito ng magaganda at mamahaling damit, sapatos, at mga bag.




Bathroom

Image Credit via Google
Image Credit via Google

Ang bathroom ng magkapatid ay napakalinis at classy rin. Mayroon itong old fashioned bathtub at magandang disenyo na nakakadagdag sa bathroom upang maging classy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *