Silipin Ang Napakagandang Beach House Ni Enrique Gil Sa Batangas

Isa sa pinaka-popular na aktor ngayon ay ang gwapong aktor na si Enrique Gil, kung saan ay mas hinangaan pa siya at nakilala sa mahusay niyang pag-ganap ng kanyang karakter sa primetime series ng ABS-CBN noon na “Forever More”.




Sa seryeng ito ay nakasama at nakatambal niya ang kanyang 0n and off-cam partner na si Liza Soberano, kung saan ay mula pa nga ng magsama sila sa isang proyekto at maging magkatambal ay talaga namang minahal na ng mga manonood ang kanilang tambalan.

Image Credit via Google

Dahil nga sa kilig na hatid ng tambalang Enrique Gil at Liza Soberano sa maraming mga manonood, ay kabi-kabilang mga proyekto at oportunidad ang dumating sa dalawa kung saan ay ilang mga pelikula at teleserye ang kanilang pinag bidahan at pinag tambalan.

Image Credit via Google

Bilang isang aktor, ay marami ang humahanga kay Enrique, hindi lang dahil siya ay gwapo at magaling na aktor, kundi dahil maliban sa mga ito ay magaling rin humawak ng sarili niyang pera ang binata.

Image Credit via Google

Sa ilang taon nga ng pagiging isang aktor ni Enrique, ay nakapag-iipon siya mula sa kanyang kinikita. At mula nga sa perang ito, taong 2016 ay nabili ng aktor ang isang 5-storey beach house na matatagpuan sa Anilao, Batangas.

Narito ang ilang pasilip sa napakalaki at napakagandang beach house na pagmamay-ari ni Enrique Gil.

Façade

Image Credit via Google

Makikita agad sa labas ang laki at taas ng beach house na ito dahil sa pagkakaroon nito ng limang palapag. Simple ngunit maganda, ang disenyo nito na nagbibigay ng maaliwalas at relaxing na vibe sa sinuman ang makakabisita dito.

Image Credit via Google

Isa pa sa nagbigay ng kagandahan nito ay ang pagiging enclosed nito ng wooden fence na kung saan ay halos napapalibutan ito ng mga salamin.

Living Area

Image Credit via Google

Isang military green color sectional sofa na may mga iba’t ibang kulay ng unan ang makikita naman sa bahaging ito ng beach house.

Dining Area

Image Credit via Google

Mapapansin naman agad ang dark backdrop sa dining area at maging ang kulay ng dining table, ay may touch ng dark brown color. Sa bahaging ito ng bahay, ay talaga namang mag-eenjoy ang sinoman lalo na kung masasarap na pagkain ang nakahain sa hapag-kainan, sabay ang masayang kwentuhan.

Outdoor Area

Image Credit via Google

Isa ito sa may pinakamagandang tanawin sa bahaging ito ng beach house ng aktor, dahil dito makikita ang napakagandang infinity pool at ang mga bulubunduking tanawin ng Batangas na talaga namang napakagandang tignan.

Image Credit via Google

Madalas, tuwing pasko o di kaya’y kaarawan ng aktor ay dito siya nagpupunta dahil sa napaka tahimik at relaxing ng lugar na ito at talaga namang mag-eenjoy ang sinumang makakakita ng magagandang tanawin dito.




Kaya naman nung nakaraan na siya ay nagdiwang ng kanyang kaarawan, ay dito niya ito ipinagdiwang at kinumbida niya rito ang ilan sa kanyang mga kaibigan, tulad nina Jeffrey Tam, Maymay Entrata, Edward Barber at syempre ang kanyang pinakamamahal na si Liza Soberano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *