Silipin Ang Napakagandang Beach Resort Sa Zambales Na Binili Ni Angel Locsin Para Sa Kanyang Ama

Bilang isang anak ay nakita at nasubaybayan natin, habang tayo ay nagkaka-isip ang mga sakripisyo at paghihirap ng ating mga magulang upang tayo ay mabigyan ng maayos na pamumuhay at makapagtapos ng ating pag-aaral.

Photo Credit: therealangellocsin/Instagram




Kaya’t bilang ganti sa kanilang mga ginawa para sa atin, ay tayo naman ang nagpupursige sa pagtatrabaho upang matulungan natin sila pinansyal at mabigyan sila ng mga bagay na alam natin nakakapagpasaya sa kanila. Isa ito sa kaugalian nating mga Pilipino na talagang hinahangaan dahil hindi tayo nakakalimot sa ating mga magulang.

Photo Credit: therealangellocsin/Instagram

Ang prominenteng aktres na si Angel Locsin ang isa sa mga anak na labis labis ang pagmamahal para sa kanyang mga magulang, muli niya itong pinatunayan ng pag-ipunan niya at bilhin ang isa sa mga pangarap ng kanyang ama at ito ay ang magkaroon ng isang beach resort.

Photo Credit: therealangellocsin/Instagram

Sa kanyang social media account ay ibinahagi ng aktres ang mga larawan na kuha sa Talisayin Cove sa Zambales. Sa mga larawang ito ay makikita ang ama ni Angel na kitang-kita ang saya habang nag rerelax at nag-eenjoy sa kanilang pagpapahinga sa isang duyan.

Photo Credit: therealangellocsin/Instagram

Ang mga larawan na ibinahagi ng aktres ay may caption na unti-unti na niyang natutupad ang pangarap nilang mag-ama. Labis-labis naman ang naging paghanga ng mga netizens sa aktres dahil sa ipinapakita ang pagmamahal sa kanyang ama.

Hindi naman naiwasan ng ibang netizens na itanong kung ang buong isla ba ang nabili ng aktres, pero ayon naman sa isang tagahanga ni Angel ay may bahagi lamang sa isla ng Pundaquit ang binili ng aktres.

Ayon naman sa aktres ang kanyang naging pagbabalik telebisyon, kung saan siya ay bumida sa “The General’s Daughter” isang primetime series ng Abs-CBN ang naging daan upang siya ay makapag-ipon at mabili ang pangarap nilang ari-arian ng kanyang ama.

Nagpasalamat din ang aktres sa kanyang mga tagasuporta dahil ang mga ito din ay naging bahagi ng kanyang mga tagumpay na kung saan ito ang naging daan upang matupad niya ang pangarap ng minamahal niyang ama.




Hindi lang sa pagiging mapagmahal na anak hinahangaan si Angel Locsin ng kanyang mga tagahanga dahil ang nasabing actress ay sadyang kaybuti ng puso sapagka’t kilala din siya bilang isa sa mga artista na nangunguna sa mga nagbibigay ng tulong sa ating mga kababayan na nasalanta ng lindol at bagyo. Sa kasalukuyan ay pinaghahandaan na ni Angel ang kanyang nalalapit na kasal sa kasintahan nitong si Neil Arce.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *