Silipin Ang Napakagandang Reception Sa Kasal Ni Sunshine Garcia Na Talagang Nagpamangha Sa Mga Bisita

Pangarap ng bawat isa sa atin ang maikasal sa taong mahal natin na makakasama natin hanggang sa pagtanda. Ang pagpapakasal ang kauna-unahang bahagi ng pagkakaroon ng pamilya. Dito kayo panunumpa ng inyong pagmamahal sa harap ng Diyos at sa mata ng batas kasama ang mga taong mahalaga sa inyong buhay. Kaya naman talagang lahat ng klase ng paghahanda ay ginagawa natin upang masigurong magiging maganda at maayos ang ating kasal.




Malaking halaga rin ng pera ang ating kakailanganin upang magkaroon ng magarbo at pinapangarap natin na kasal kaya buwan ang binibilang para maisakatuparan ang planong ito.

Para sa dating SB dancer na si Sunshine Garcia, hindi niya raw talaga makakalimutan ang kanyang kasal dahil sa napakagandang wedding reception. Sa sobrang ganda ng mga dekorasyon, napaiyak raw ang bagong kasal. Marso 2 nang maikasal si Sunshine Garcia kay Alex Castro. Ginanap ang kanilang pag-iisang dibdib sa Manila Cathedral na sinundan naman ng kanilang wedding reception sa Sofitel Philippine Plaza Manila. Nagningning si Sunshine sa ginawang gown ni Patricia Santos na talaga namang ginawa ng bukod tangi sa lahat ang dancer.

Ayon kay Sunshine, hindi niya raw inaasahan na magiging ganoon kaganda ang kaniyang wedding reception dahil nga medyo planado ang budget nila para sa kasal. Nais lamang raw ni Sunshine na magkaroon ng maayos at disenteng kasalan para mag-enjoy raw ang mga bisita niya. Dagdag pa ni Sunshine, umayon raw ang lahat base sa kanyang pangarap na kasal mula sa kaniyang kasuotan, hanggang sa make-up.

Pero laking gulat niya nang makita niya ang kanilang wedding reception at wala siyang ibang ginawa kundi umiyak na lamang. Laking pasasalamat ni Sunshine sa grupo ni Badang Rueda na siyang gumawa ng napakagandang wedding reception. Hindi niya raw kasi talaga inaasahan na magiging ganito kaganda ang kanilang wedding reception. Natupad raw ang kanyang pangarap na kasal dahil sa ginawa ng team ni Rueda.
Mabuhay ang bagong kasal!




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *