Silipin Ang Napakagandang Tahanan Ni Heart Evangelista Sa Quezon City

Si Heart Evangelista o Love Marie Payawal Ongpauco – Escudero, ay isa sa mga kinilalang aktres sa industriya ng showbiz dito sa ating bansa. Maliban pa sa pagiging isang aktres ay kilala din ang 35-taong gulang na si Heart bilang isang online influencer na talaga namang pinag-uusapan online o offline man.




Marami ang nagsasabi na “total package” ang aktres, dahil maliban sa taglay nitong kagandahan ay tunay namang “She is Beautiful with a Heart”, dahil sa kabutihan ng kanyang puso na talaga namang hinahangaan ng marami niyang mga taga suporta at tagahanga.

Maliban sa kanyang pagiging popular sa fashion world, gumagawa na rin ng kanyang sariling pangalan ngayon ang aktres sa Youtube na kung saan ay mayroon na siyang 1.66 million subscribers.

Maging sa isa sa pinaka-popular na apps ngayon sa buong mundo, na TikTok, ay naging kilala at popular na din ang aktres.

Sa pagkakaroon ng krisis at matinding kahirapan na nararanasan ng iba nating kababayan dulot ng pandemic, ay mas lalo pa ngang nakita ng marami sa atin kung gaano kabuti at matulungin ang aktres.

Sa kabila ng pagkakaroon ng ilang issue ng aktres, sa kanyang personal na buhay, ay patuloy pa rin ito sa kanyang pagbibigay ng pag-asa at pag-abot ng tulong sa marami nating mga kababayan.

Bilang isa sa pinaka-popular na aktres, ay maraming mga tagahanga ang nais na masilip ang tahanan ni Heart Evangelista. Kaya naman ngayon ay sisilipin natin ang napakagandang tahanan ng aktres sa Quezon City.

Ayon sa aktres 29-taong gulang siya, ng subukan niyang maging independent at manirahan ng mag-isa, kung saan ay marami siyang natutunan at malaki ang naging pagbabago niya sa kanyang sarili.

Image Credit via Google

“Malaki ang mga pinagbago ko talaga, sobra”, saad ng aktres.
Makikita nga sa pagka-ayos ng tahanan ni Heart, kung paanong ang isang magandang dalaga noon, ay isa ng ganap na napakagandang may-bahay ngayon.

Living Area

Image Credit via Google

Karamihan sa mga kagamitan na makikita sa bahaging ito ng tahanan ng aktres ay nababalot ng textured fabric. Nagbigay rin ng mas classy at elegant looks ang mga glass tops na nakapalibot sa malawak na bahagi nito.

Kitchen

Image Credit via Google

Nakukulayan naman ng puti ang kusina sa tahanan ng aktres, kung saan ay napakalinis nitong tingnan at naka-organize pa ang lahat ng mga kagamitan.

Bedroom

Image Credit via Google

Ang bedroom naman ng aktres ay makikita ang neutral na kulay, na bagay naman sa kulay sa mga kagamitan dito. Napaka-homey at welcoming rin ng vibe nito, lalo pa at ang ceiling nito ay napipinturahan ng kulay na asul na may mga sky-and-clouds pattern.

Bathroom

Image Credit via Google

Makikita naman sa ayos ng bathroom kung paanong ang isang dalaga noon, ay isa ng napakaganda may-bahay ngayon.

Walk-In-Closet

Image Credit via Google

Stripped pink at white color naman ang makikitang kulay sa closet ng aktres, na talaga namang nagbigay dito ng girly-looks nito.




Storage Area

Image Credit via Google

Dito naman makikita ang ilang mga accessories ng actress, na nakaayos ng pagkakasala sa.

Outdoor Nook

Image Credit via Google

Isa ito sa mga paboritong lugar ni Heart, dahil dito niya nililikha ang kanyang mga masterpiece.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *