Silipin Ang Napakalaki At Napakagandang Bagong Bahay Ng Aktor Na Si Derek Ramsay

Sa unang pagkakataon, ay pinasilip ni Kapuso Hunk Actor Derek Ramsay, ang kanyang bagong bahay na matatagpuan sa Alabang na kung saan ay talaga namang nakakamangha ang ganda at laki nito. Para nga sa aktor ay “modern-resort type pero homey” ang bahay niyang ito.



Image Credit via Google
Pagpasok pa lamang nga ng napakagandang bahay ng aktor, ay kamangha mangha na agad ang mga mga paintings na makikita sa wall nito ang sasalubong sayo.
Image Credit via Google
Matatanaw rin agad ang napakaganda at napakalaking swimming pool, pagpasok pa lamang ng bahay ng aktor, dahil sa ang halos buong kabahayan ay napapalibutan ng mga glass window at doors.
Image Credit via Google
Ayon pa kay Derek, ang bahay niyang ito ay may tatlong palapag, na kung saan ay 6 na silid tulugan ang mayroon ito.
Image Credit via Google
At dahil sa nakumbinse na rin niya ang kanyang mga magulang na tumira sa kanya, ay mas inuna at binigyan niya ng prayoridad ang matapos ang silid ng mga ito.
Image Credit via Google
Ipinasilip nga ng aktor ang magiging silid ng kanyang mga magulang, na kung saan ayon sa kanya ay isa ito sa pinakamalaking silid sa kanyang bahay na may pinakamagandang tanawin sa labas. Makikita nga sa loob ng nasabing silid ang isang napakalapad na kama, na tila nakaka-relaks pag iyong hinahangaan dahil sa tila pinalambot ng kutson nito.
Image Credit via Google
“Finally, na-convice ko na rin silang tumira sa bahay ko. They have been living sa Tagaytay and I want them na sa bahay ko na tumira para mas malapit ako sa kanila. I gave them a big room and they have the best view of the house. Makikita nila agad ang swimming pool sa labas ng room nila.” Pagkukwento ng aktor, habang ipinapakita ang video.
Image Credit via Google
Pagdating naman sa ikalawang palapag ng bahay ni Derek ay makikita agad ang kanyang mga gym equipment, kung saan ay dito siya nag-eehersisyo kaya naman talagang maintain ng aktor ang pagkakaroon ng magandang pangangatawan.
Image Credit via Google
Ayon naman sa aktor, ay hindi pa natatapos ang kanyang silid at marami pa ang mga kagamitan na kulang, kaya naman hindi niya muna ito ipinasilip.
Image Credit via Google



Mayroon ring umanong elevator ang nasabing bahay ni Derek Ramsay, ito ay para sa kanyang mga magulang, upang hindi mahirapan ang mga ito sa pag-akyat panaog kung gusto ng mga ito na pumunta sa ibang palapag ng bahay.
Image Credit via Google
Bago naman matapos ang pagbabahagi ni Derek ng kanyang bahay, ay sinabi rin nito na isa ang nobya niyang si Andrea Torres sa mga naging dahilan niya upang ipakita ang bahay niyang ito. “Most definitely that’s why I work so hard to get this place done. She was a big part of it”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *