Silipin Ang Napakalaking Walk-In Closet At High-Tech Banyo Ni Vice Ganda Sa Kanyang Bagong Bahay

Ipinasilip ng Unkabogable star at Tv host na si Vice Ganda, ang kanyang bagong tahanan, kung saan maging sino ay talagang mapapamangha dahil sa laki, lawak at napakagandang disenyo nito na napaka-elegante at klasiko.




Magmula sa mga muwebles at mga kagamitan sa loob ng bagong tahanan na ito ni Vice, ay talaga namang kamangha-mangha.

Image Credit via Youtube

Sa unang parte ng vlog ni Vice Ganda, una niyang ipakita ang bawat parte ng loob ng unang palapag ng kanyang tahanan, kung saan ay dito makikita ang clean kitchen, dirty kitchen, spa room, swimming pool, family room at ang elevator na kanyang ipinalagay para sa kanyang ina, upang ito’y hindi mahirapan kung nais nito magtungo sa ibang palapag ng kanyang tahanan.

Image Credit via Youtube

Pagdating sa ikalawang palapag ng tahanan, ay ipinasilip naman ni Vice ang dalawang guest room, kung saan ay para ito sa mga pamilya o kaibigan na naiisip bumisita at magpalipas ng gabi sa kanila.

Image Credit via Youtube

Makikita rin sa nasabing palapag na ito, ang napakalawak na walkin ni Vice Ganda, na ayon sa kanya, ay ito ang pinakamalawak na silid sa buong bahagi ng bahay. Mas malapad pa umano ito sa kanyang master’s bedroom.

Image Credit via Youtube

Nang ipinasilip naman ni Vice ang kanyang toilet and bath room, ay makikita ang mga magaganda at high-tech na mga kagamitan, tulad na lamang nga ng kanyang shower, na umiilaw umano at nag-iiba ng kulay kapag ito’y naglalabas na ng tubig.

Image Credit via Youtube

Ang kanyang tub naman na paliguan, ay nakakalula ang presyo na ayon sa komedyante ay nabili sa halagang P800,000. Ipinakita naman ni Vice ang kanyang magiging master’s bedroom, kung saan kahit pa nga ba hindi pa ito kumpleto sa kagamitan, ay makikita na isa rin ito sa napakalawak na silid ng tahanan.

Image Credit via Youtube

Samantala, matapos naman ang naging pagpapasilip ni Vice sa kanyang napakalaki at napakagandang bahay, ay muli namang binalikan ng Tv host at tinaguriang Unkabogable star ang kanyang buhay noon, at mga naging karanasan bago pa man nga niya narating ang tagumpay at magandang buhay na mayroon siya ngayon.

Image Credit via Youtube

“Di naging madali ang karera ng buhay ko. Nagsimula ako sa pinakamababa, ngunit may bitbit na pinakamataas na pangarap para maiangat ang pamilya, ang sarili at din naglaon ay pati na rin ang kapwa.

“Nahirapan ako sa simul. Sa gitna. At may pagsubok pa rin hanggang ngayon. May mga ginawang maling desisyon. Pero di ako sumuko. Di ako huminto.”

Bago pa man nga matapos ng tuluyan ang vlog ni Vice sa pagpapasilip ng kanyang bagong tahanan, ay nag-iwan ito ng magandang mensahe, para sa mga taong patuloy na nagsusumikap na maabot ang kanilang pangarap.




“There are people who will wish for you to fail. But you were born to make it. You are success waiting to happen. Dare to dream big. Work hard to build your dreams.”

Video Credit: Vice Ganda/YouTube

Si Vice Ganda, ay isa sa mga pinakamakinang na bituin ngayon sa industriya ng showbiz, at isa sa mga pinaka-iniidolo at hinahanggan ng madlang people, dahil sa kanyang angking talent sa pagpapatawa, at mas lalo na sa kabutihang loob niya na tumulong sa kapwa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *