Silipin Ang Napakalawak At Napakagandang Private Resort Na Pagmamay-Ari Ng Mag Asawang Jinkee Pacquiao At Manny Pacquiao

Muli nga na namang naging maingay sa social media si Jinkee Pacquiao, eto ay matapos niyang ibahagi sa kanyang Youtube vlog ang napakagandang private resort na pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Ang beach house na ito ng pamilya Pacquiao ay matatagpuan sa kanilang Probinsya sa Sarangani, sa Barangay Talayan, Glan.



Sa video ay mapapanood na bago ibahagi ni Jinkee ang kanilang beach resort, ay nilinaw nito na hindi niya ito ipinapakita upang ipagmayabang kundi dahil sa ni-request ito ng kanyang mga subscribers.
Image Credit via Google
“Sa lahat ng mga nagtatanong, ito na ‘yon, I’m not bragging for anything na mayroon kaming ganito. Request niyo naman ito so e-tour q kayo dito.”
Image Credit via Google
Ayon pa nga kay Jinkee, ang beach resort na ito ay halos pitong taon na rin ng naipundar nila at ito ang kauna-unahang beach resort ng kanilang pamilya. Hindi nga lang basta malawak ang ari-arian na ito ng mga Pacquiao, dahil napakaganda at elegante rin ng rest house na itinayo ng pamilya rito.
Image Credit via Google
Ibinahagi rin ni Jinkee na ang malawak na beach house ay nahahati sa dalawang villa, ang Villa 1 ay para sa Jamora Family at ang Villa 2 naman ang sa Pacquiao Family.
Image Credit via Google
Masaya ngang nilibot ni Jinkee ang kanilang beach resort upang ipakita ito sa kanyang mga subscribers at mga netizens. Habang nag-ikot rin sa beach house ay kinu kwento nito na ang lugar na ito ay isa sa mga paboritong puntahan nila ng kanilang pamilya lalo na kung gusto nila ang makapag-relax at magbakasyon.
Image Credit via Google
Isa pa nga sa mga nakamamangha sa beach house na ito ng pamilya Pacquiao ay ang napakagandang swimming pool, ang magagandang tanawin at ang beach house kung saan ay may gazebo ito na nakaharap sa mismong dalampasigan.
Image Credit via Google



Dahil nga sa talagang nakakarelax ang magandang tanawin na ito ng beach house ay madalas din umano itong maging meeting place lalo na kung nagkaroon sila ng Bible study.
https://www.youtube.com/watch?v=THoV-QDd42c&feature=emb_logo
Ang lugar na ito rin ang nagiging takbuhan ng pamilya sa tuwing nais nilang lumayo sa ingay at polusyon sa syudad. Ipinakita rin ni Jinkee sa kanyang Youtube vlog ang Master’s bedroom at walk-in closet sa kanilang rest house.
Image Credit via Google

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *