Silipin Ang Napakasaya At Napaka Relaxing Na Naging Bakasyon Ng Pamilya Ni Alfred Vargas Sa Amanpulo

Bilang mga magulang, sa kabila ng kahit anong pinagkakaabalahan natin sa ating buhay o sa ating hanapbuhay, ay mahalaga pa rin na nabibigyan natin ng oras at panahon na makasama at maka-bonding sa isang bakasyon ang ating buong pamilya. Wala naman kasi talagang kasing saya kung makikita mo ang iyong pamilya na nag-eenjoy sa isang bakasyon na sama-sama.




Isa sa mga hinahangaang pamilya ngayon ay ang pamilya ng mag-asawang Yasmin Espiritu at Alfred Vargas, dahil sa talaga namang ang kanilang mag-anak ay ehemplo ng isang masaya, matiwasay at puno ng pagmamahalan na pamilya.

Photo Credit: alfredvargasofficial/Instagram

Kamakailan nga lamang ay naging laman ng social media ng pamilya ang kanilang family picture, kung saan ito nga ay kinunan sa naging masayang bakasyon nilang mag-anak sa Amanpulo, isang napakagandang lugar sa ating bansa na talaga namang dinarayo ng maraming mga artista at mayayamang pamilya.

Photo Credit: alfredvargasofficial/Instagram

“Dream come true to be in this Paradise: to see our children out in the sun enjoying, to hold our hands while strolling along the beach, to hear more laughter, and excitement from them, to experience the immense beauty of our beloved country to forget about the krisis worries and just live the moment freely,

Photo Credit: alfredvargasofficial/Instagram

relax just by seeing the ocean and hearing the waves, to feel how it is to live normally again even for just a bit, to spend solo time with the family, to loved and be loved”, ang naging saad ni Yasmine sa kanyang IG post.

Photo Credit: alfredvargasofficial/Instagram

Para nga kay Yasmine ang larawan nila na itong pamilya na kinunan sa naging bakasyon nila sa Amanpulo ay isa sa mga paborito niyang family picture nila, dahil nagpapaalala ito sa kanya na kahit gaano man kahirap ang sitwasyon ngayon ay nanatili pa ring matatag at sama-sama ang kanyang pamilya.

Photo Credit: alfredvargasofficial/Instagram

“This photo is another addition to our all-time favorites. Wonderful memories were made once again, and this image will be a constant reminders to us that despite the enormity of the challenges we face during this pandem!c, love and family will always prevail”, dagdag na saad pa ng misis ni Alfred Vargas.

Pinasalamatan naman ni Yasmine ang Poong Maykapal, sa pagbibigay sa kanyang pamilya ng pagkakataon na muling maranasan ang normal na pamumuhay, kahit sa maikling bakasyon nga lamang nila sa isang napakagandang lugar.Ipinagpasalamat rin niya ang naging pag-gabay at pag-iingat sa kanila ng Panginoon.




“Thank you, Lord, for this short but worthwhile vacation. Thank you for bringing us home safely. Now that are more people were vaccinated, we continue to pray that we finally achieved herd immunity and live normally and safely once again.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *