Silipin Ang Napakasayang Pamilya Ng Gwapong Aktor Na Si Ian Veneracion

Si Ian Veneracion ay isang Pino athelete, pilot, singer at aktor. Siya ay dating artista sa ilalim ng pamunuan ng GMA Network, ngunit ngayon ay kasalukuyang aktor sa ilalim ng ABS-CBN Network.



Isa si Ian sa maituturing na sikat na personalidad sa showbiz industry dito sa ating bansa, bata pa lamang siya ay talaga namang angkin na niya ang gwapong mukha na hinahangaan ng maraming manonood at tagahanga niya, mula pa rin noon ay umarangkada na ang kanyang karera bilang isang artista.
Photo Credit: ianveneracion1/Instagram
At ngayon nga na ang aktor ay 44-taong gulang na, ay masasabi natin na good look at young-looking pa rin ito, kaya naman hindi kataka-taka na hanggang ngayon ay marami pa rin ang mga kababaihan ang humahanga at kinikilig sa aktor.
Matatandaan na ikinasal ang aktor kay Pam Gallardo noong taong 1998, kung saan ay 22-taong gulang pa lamang siya. Sa kanilang mahigit ilang dalawang dekadang pagsasama bilang mag-asawa ay binyayaan na sila ng tatlong anak at ito ay sina Tristan Draco, Duccio, at Deirdre.
Photo Credit: ianveneracion1/Instagram
Bilang isang aktor, ay talaga namang hindi maiiwasan ang pagiging busy ni Ian sa kanyang trabaho, ngunit kahit gaano pa siya ka-busy ay sinisigurado niya na hindi siya mawawalan ng oras makipag-bonding sa kanyang mga anak.
Sa tuwing maluwag ang schedule ng aktor, ay inilalaan nito ang kanyang oras sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang mga anak, at isa nga sa mga ginagawa nialang bonding ay ang pagsakay sa motorsiklo habang namamasyal.
Hindi rin naman pinapabayaan ng aktor nag kanyang butihing asawa, sa katunayan ay buong suporta niya itong sinusuportahan sa mga hilig nitong gawin, tulad na lamang ng pagbi-bake at pagluluto. May mga pagkakataon din na ipinapasyal niya ito, kasama ang kanilang mga anak sa iba’t ibang lugar dito sa ating bansa at iba pang mga bansa.



Upang iparamdam naman sa kanyang asawa ang lubos niyang pagmamahal at pagpapatunay nan aa-appreciate niya ang mga ginagawa nito para sa kanilang pamilya, ay madalas sorpresahin ni Ian ang asawa. Lagi ring ipinaparamdam ni Ian sa asawa niyang si Pam, na ito lamang ang nag-iisang babae sa buhay nito.
Napansin naman ng mga netizens, na sa kabila tumatandang edad na rin ng asawa ni Ian, ay nanatili pa rin itong maganda at fresh-young looking. At maging ang mga anak nina Ian at Pam, ay napansin rin ng ating mga netizens, at ang ilan nga sa mga ito ay nagsabi na sa mga hitsura ng mga ito ay maari ring sumabak ang mga ito sa pagiging artista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *