Silipin Ang Napakasimple At Napaka-Sincere Na Wedding Proposal Ni Philmar Alipayo Sa Kanyang Partner Na Si Andi Eigenmann

Sa ilang taon na rin nilang pagsasama, bago nga matapos ang taong 2020 ay masayang ibinahagi nina Philmar Alipayo at Andi Eigenmann na silang dalawa ay engage na!




Makikita sa “Happy Fam Holiday Getaway” vlog sa YouTube nina Andi, ang kanyang naging pag-upload at pagbabandera na silang dalawa ng partner niyang si Philmar ay nalalapit ng ikasal.

Photo Credit: chepoxz/Instagram

Sa nasabing vlog, ay masayang ikinuwento ng anak ni Jacquelyn Jose, na si Andi Eigenmann na nag-propose na sa kanya ang kanyang partner na si Philmar Alipayo, isang surfer. At ang wedding proposal nga nito, ay nangyari habang sila ay nasa balcony ng hotel room nila sa Batangas.

Photo Credit: chepoxz/Instagram

Kwento nga ni Andi, wala siyang kamalay-malay na magpo-propose sa kanya si Philmar sa araw na silang magpamilya ay nasa bakasyon.

Photo Credit: chepoxz/Instagram

“This actually happened on our 3rd day, but we want to save the best for last. Excuse our footage because it forged up from the rain”, ang pahayag ni Andi sa nasabing vlog.

Photo Credit: chepoxz/Instagram

“We’d like to keep the personal conversation just between the two of us, to keep it special, but want to share the moment with you all, anyway”, dagdag pa ni Andi.

Photo Credit: chepoxz/Instagram

Samantala, kasunod nga ng pagsabi ni Philmar kung gaano niya kamahal ang ina ng kanyang anak, ay nag biglang dialogue nito na,“ From my whole heart I’m asking you, if you will marry me?”

Photo Credit: chepoxz/Instagram

Hindi naman maintindihan ni Andi ang kanyang magiging reaksyon ng mmga sandaling iyon. Iyak na may kasamang saya na dulot ng labis na kaligayahan ang nadama ni Andi ng mag-propose sa kanya ang partner niyang si Philmar, lalo pa nga ng ilabas na nito ang engagement ring na para sa kanya.

Photo Credit: chepoxz/Instagram

Sa Instagram account ni Andi, ay ibinahagi niya ang larawan nil ani Philmar, habang sila ay naliligo sa dagat, kung saan ay ipinakita na niya na suot suot na niya ang kanyang engagement ring.

Photo Credit: chepoxz/Instagram

Kalakip naman ng larawan na ito, ay ang caption ni Andi, na;
“I never thought about how my engagement would go because quite honestly, I didn’t think I’d have one” saad nito sa unang bahagi, kung saan ay hindi niya umano naisip na mararanasan niya ang magkaroon ng engagement.

“It would’ve been ok regardless, dut did happen. And it happened the way I wanted it and so much more”, saad pa nito. “Nothing grand. Unprompted, simple and oh so sincere. That’s us. That’s him. That’s how I wanted the rest of my life to be.

“I am over the moon, so stoked to be spending it with you my mahal @chepoxz.”
Patunay nga lamang ito, na ang kaligayahan ng dalawang taong nagmamahalan ay hindi nakabase,

sa kung gaano kagarbo nila ipagdiwang ang isang spesyal na okasyon sa kanilang pagsasama, dahil tulad nina Andi at Philmar, hindi man engrande ang wedding proposal nila, ay labis na kasiyahan naman ang idinulot nito sa kanila, dahil batid nila na ang tapat na pagmamahal nila sa isa’t isa, ay sapat upang sila ay maging masaya sa simple ngunit napaka-espesyal na selebrasyon sa kanilang pagsasama.




Sa ngayon, ay ipinagbubuntis ni Andi, ang pangalawa nila ni Philmar, na ayon sa kanila, ay isang baby boy na. Ang panganay na anak nina Philmar at Andi, ay si Lilo, na isang-taong gulang pa lamang.

Bukod nga sa mga anak ni Andi kay Philmar, ay mayroon pa itong isang anak, ay ito ay si Ellie, na ang ama ay ang dati niyang boyfriend na si Jake Ejercito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *