Silipin Ang Napakasimpleng Kasalan Nina Angel Locsin At Neil Arce

Isa sa mga pinakaaabangan na kasal sa industriya ng showbiz ay ang pag-iisang dibdib ng aktres na si Angel Locsin at ng kanyang boyfriend na si Neil Arce, ito nga ay matapos ma-engaged ng dalawa noong taongg 2019.




Hindi naman inasahan ng lahat na ngayong buwan, ika-7 ng Agosto ay may magugulantang sila sa balita na ang celebrity couple na inaabangan ang kasalang magaganap ay ikinasal na sa isang napakasimpleng seremonya.

Photo Credit: therealangellocsin/Instagram

Matapos nga ang dalawang taon na pagiging engaged sa isa’t isa, ay masayang ibinahagi nina Angel Locsin at Neil Arci na silang dalawa ay kasal na, at ito ay sa pamamagitan ng kanilang latest vlog sa YouTube channel nila nito nga lamang ika-7 ng Agosto, araw ng Sabado.

Photo Credit: therealangellocsin/Instagram

Ang latest vlog na ito ng dalawa ay nagpapakita na abala sila sa pag-eempake ng kanilang mga kagamitan kasama ang kanilang mga kaibigan, dahil sa sila nga ay lilipat na sa kanilang magiging bagong tahanan.

Photo Credit: therealangellocsin/Instagram

Habang abala nga sa pag-eempake ay napag-uusapan naman nila ang patungkol sa kanilang kasalukuyang tirahan at ang kanilang relasyong dalawa. Hanggang sa bago nga tapusin ng dalawa ang kanilang video vlog, ay inihayag nila ang masayang balita patungkol sa relasyon nila, at ito nga ay ang balitang silang dalawa ay kasal na at ganap nan gang mag-asawa.

Photo Credit: therealangellocsin/Instagram

“Since filming this vlog, we decided not to wait and just do it. We got married!!!”, ang naging masayang pagbabahagi ng newlywed couple.

Photo Credit: therealangellocsin/Instagram

Samantala, sa Instagram account naman ng Kapamilya actress na si Angel Locsin ay nagbahagi ito ng ilang larawan na kuha sa naging pag-iisang dibdib nila ng mister na niya ngayon na si Neil Arci.
Kalakip nito ay ang kanyang caption na;

“And just like that.” “Bukas na ‘yung iba. Namimilipit pa ako sa kilig (The rest will come tomorrow. I’m still squirning with kilig.”) saad ni Angel sa caption ng larawan.




Isa ngang intimate wedding ang naging pag-iisang dibdib nina Angel Locsin at Neil Arci, ngunit sa kabila ng kasimplehan ng nasabing okasyon ay kitang-kita naman sa bagong kasal kung gaano sila kasaya para sa araw na sila ay pinag-isa ng sumpaan ng pag-ibig nila sa isa’t isa.

Makikita naman ang iba pang mga larawan ng naging kasal ng dalawa sa Instagram account ng kanilang wedding photographer, at ito nga ay ang Nice Print Photo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *