Silipin Ang Napalaking Bahay ng Aktres Na Si Angelica Panganiban

Karaniwan na nga natin nakikita sa mga bahay na may mga ilang palapag ang pagkakaroon nito ng hagdanan, na siyang naging daan upang makarating ka sa bawat palapag ng bahay kaya naman talagang mapapa-wow tayo kung makakakita tayo ng isang bahay na maliban sa hagdan ay mayroon pa itong sariling elevator.




Isa na sa bahay ngayon na talagang mapapa-wow ang sino mang makakapasok, ay ang bahay ng aktres na si Angelica Panganiban dahil maliban sa napakalaki at modern nito, ay mayroon pala itong sariling elevator sa loob nito.

Image Credit via Google

Ang kaibigang aktres ni Angelica na si Kim Chui ang isa sa mga artista na talagang humanga sa bahay ng kaibigan dahil sa pagkakaroon nito ng elevator.

Image Credit via Google

Nakita ito ni Kim ng minsang bumisita siya sa bahay ng kaibigan dahil sa may ginanap na pagdiriwang rito, at manghang-mangha nga siya ng malaman kung gaano kaganda ang bahay ng kaibigan niyang si Angelica.

Image Credit via Google

Isang maliwanag, makulay, modern at mala-hotel ang disenyo ng bahay na ito ni Angelica. Kitang-kita rin sa loob kung gaano ka-classy at ka-cozy ang living-room nito.

Mayroon ding malawak na entertainment room sa bahay ni Angelica, kung saan makikita ang isang napakalaking flat screen tv.

Image Credit via Google

Hindi rin naman magpahuli sa linis at ganda ang kusina sa bahay ng aktres, na makikita ang mga magagandang kagamitan sa kusina.

Sa kanyang garahe naman, ipinaparada ng aktres ang kanyang mga mamagalin at magagandang sasakyan.

Image Credit via Google

Talaga namang hindi basta-basta ang bahay na ito ng aktres, dahil loob at labas nito ay mapapamangha ang sino mang makakabili dito dahil sa ganda at modern nito.

Image Credit via Google

Si Angelica Panganiban ay kilala bilang isang actress-comedian, ang kanyang karera sa showbiz ay nagsimula noong siya ay anim na taong gulang pa lamang kung saan ay lumabas siya sa TV Show na “Love Note.”

Image Credit via Google

Ang kauna-unahan niya namang maging regular na show sa ABS-CBN ay sa “Ang TV”. Ilan naman sa mga pelikula na kung saan ay napanood natin siya ay ang “Separada”, “Sarah ang Munting Prinsesa” at ang “Ama, Ina, Anak” na nagbigay sa kanya ng Best Child Actress Award at pagiging nominado niya sa FAMAS Awards at PMPC Star Awards.




Taong 2004 naman ng sumabak ang actress sa mas mature na role sa mga pelikula na kanyang kinabibilangan.

Isa sa mga pelikula ni Angelica na talagang tumatak sa maraming manonood ay ang recent movie niya na “Exes Baggage”, kung saan ay kasama at nakatambal niya ang aktor na si Carlo Aquino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *