Silipin Ang Napalaking Pagbabago Sa Buhay Ni Herlene Budol O Mas Kilala Bilang Si Hipon Girl Simula Ng Makapasok Sa Showbiz

Ang naging pagsisimula ni Herlene Budol o mas kilala ngayon ng publiko bilang si Hipon Girl sa showbiz, ay talaga namang isa sa mga hindi niya inaasahang pangyayari sa kanyang buhay.




Matatandaan na unang nasilayan ng mga manonood si Herlene aka Hipon Girl, sa telebisyon, bilang isa lamang sa mga contestant ng isang segment ng programang Wowowin. At dahil sa taglay niyang charm at pagiging entertaining, ay agad niyang nakuha ang pansin ng mga manood, maging ng host ng nasabing programa na si Willie Revillame.

Photo Credit: herlene_budol/Instagram

Sa nakitang potensyal ni Willie Revillame kay Herlene, ay agad niya itong sinabak sa pagigingisang co-host ng programa niyang Wowowin, at dito ay mas lalo pang ipinakita ni Herlene, na hindi nagkamali si Willie, na bigyan siya ng oportunidad na ganito.

Photo Credit: herlene_budol/Instagram

Maliban pa sa pagiging isang co-host, ay sumabak rin sa pag-arte si Herlene, ng mabigyan siya ng pagkakataon na ipakita ang kanyang husay sa pag-arte, ng gampanan niya ang karakter ng isang OFW na na-inlove sa kanyang employer, sa isang episode ng Magpakailanman.

Photo Credit: herlene_budol/Instagram

Unti-unti ngang nagbago ang buhay ni Herlene, dahil sa kanyang sipag at dedikasyon sa kanyang trabaho. Nakapagpundar na siya ng ilang mga ari-arian, tulad na lamang ng sarili niyang bahay, sasakyan at negosyo.

Photo Credit: herlene_budol/Instagram

Samantala, sa isang panayam ng GMA Network kay Herlene Budol aka Hipon Girl, ay ibinahagi nito kung anon a ang buhay niya ngayon at ng kanyang pamilya, matapos niyang makapasok sa showbiz, sa pagkakataon na hindi niya inaasahan.

Photo Credit: herlene_budol/Instagram

“Wala akong talent. Wala akong kahit anong talent. Kapal ng mukha ang nagdala sa akin dito. Kung may talent ako, pero hindi naman makapal ang mukha ko, wala rin”, pag-amin ni Herlene.

Photo Credit: herlene_budol/Instagram

Kwento pa ni Herlene, ang nagpalaki at nag-aruga sa kanya ay ang kanyang lolo at lola, kaya naman ang mga ito rin ang pinakaunang dahilan kaya siya nagsusumikap sa buhay, upang mabigyan ang mga ito ng maginhawang pamumuhay, lalo na ngayon na matatanda na ang mga ito.

Photo Credit: herlene_budol/Instagram

“Ako na lang daw ‘yung dahilan kung bakit sila masaya. Ayun na lang daw ‘yung inaabangan nila sa buong maghapon. Simula daw napasok ako dito, ako na lang daw ‘yung nagpapasaya sa kanila”, saad ng dalaga.

“Nadoble lang nung napasok ako dito, pero nung hindi pa ako ganito, ako pa rin naman daw. Naging doble daw, naging inspirasyon na daw nila ako sa pang-araw araw nila”, dagdag na saad pa ni Herlene.

Ibinahagi rin ni Herlene, na noong una niyang matanggap ang kauna-unahang sahod niya mula ng mag-umpisa siya sa programang Wowowin, ay ipinasyal niya ang kanyang pamilya, at niyaya ang mga ito na kumain sa labas, kung saan ay ito umano ay ipinayo sa kanya ni Kuya Wil [Willie Revillame].




Ipinagpapasalamat pa rin ni Herlene, hanggang ngayon ang oportunidad na ibinigay sa kanya Willie. “Sobrang thankful ako kay Kuya Wil na binigyan niya ako ng chance na ma-try ko itong ganitong sitwasyon sa buhay. dati extra-extra lang ako, ngayon naka-focus na ‘yung camera sa akin.”

Hanggang ngayon nga ay patuloy pa rin ang pag-abot ni Herlene sa kanyang mga pangarap sa buhay, at patuloy niyang ipagpapasalamat ang lahat ng biyaya na ito, sa mga taong naging daan upang marating niya kung ano man ang estado ng buhay niya ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *