Silipin Ang Natatagong Hardin Ng Aktres Na Si Gretchen Barreto

Sa mga Instagram post ni Gretchen ay nagbahagi siya ng mga larawan at video ng kanyang natatagong hardin sa kanilang bakuran.

Photo Credit: gretchenbarretto/Instagram




Sari-saring mga naggagandahang halaman ang makikita ng sino mang makakapunta roon, ilan sa mga halaman roon ay ang Calatheas at ang malaking Alocasias na makikita sa isa sa mga ibinahagi niyang larawan.

Photo Credit: gretchenbarretto/Instagram

Meron din ditong Yucca trees na namumulaklak ng puting bulaklak at may dahon na patulis na parang sa espada, at may mga puno rin ng chico na matatagpuan nakatanim dito.

Photo Credit: gretchenbarretto/Instagram

Isa rin sa mga naibahagi niya sa kanyang Instagram post, ay ang kanyang video habang nag-iikot sa kanyang hardin, na mapapansin ang saya ni Gretchen.

Photo Credit: gretchenbarretto/Instagram

Sa tuwing umaga ay ito ang ginagawa ni Gretchen, ang mag-ikot at tignan ang kanyang mga halaman dahil para sa kanya sa tuwing nakikita niya ang mga ito ay gumaganda ang kanyang araw at gumagaan ang kanyang pakiramdam.

Photo Credit: gretchenbarretto/Instagram

Pakiramdam din ni Gretchen ay nasa ibang mundo siya sa tuwing siya ay nasa kanyang hardin. Ngayong taon nga ay nagpagawa siya ng plant-filled pathway, at noong Agosto ay ipinasilip niya ang proyekto niyang ito.

“We all decided to inspect the walkway to my secret garden (work in progress).” At sa kanyang video ay maririning natin ang kanyang nasabing “My goodness, ang ganda!”, sa sobra niyang pagkamangha.

Noong una ay inamin rin ni Gretchen na hindi talaga siya ganun kahilig sa mga halaman, dahil sa isa niyang post ay eto naman ang kanyang sinabi.

“Many years ago, I could not understand why my Tony would stop and marvel at the trees & plants and would say how beautiful they are (I thought plants are for older people) and here I am, so in love with [trees], plants,.etc..




I am getting older.” “my garden is a never ending story. It’s my new playground.” Ngayon na siya ay mahilig na sa mga halaman, si Tonyboy naman ang kasama at katulong niya sap ag-aalaga ng kanilang mga tanim na puno at halaman.

Ang ibang halaman sa hardin ni Gretchen ay nagkakahalaga ng PHP 2,000 at maaari ding humingi ng discount sa mga bibili ng maramihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *