Silipin Ang OOTD Ni Jinkee Pacquiao Na Nagniningning Sa Kulay Pink Na Mga Kasuotan

Matapos ang mga sunod-sunod na panalo ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa boxing, tila umusbong rin ang kanyang kasikatan at ng kanyang pamilya. Isa rin marahil ang kanyang kasikatan sa mga naging rason kung bakit pinasok rin ng Pambansang Kamao ang mundo ng pulitika. Mula sa pagiging local na pulitika sa kanilang probinsya, naging senador na ng Pilipinas si Pacman.

Bunga rin ng kanyang pagsisikap at kagalingan sa boksing, isa na siya ngayon sa maituturing na isa sa mga pinakamayamang tao sa Pilipinas. Kaya naman, hindi na nakapagtataka kung bakit marami silang ari-arian at magagara ang mga kasuotan at kagamitan ng kanyang asawang si Jinkee Pacquiao.

Photo Credit: @jinkeepacquiao/Instagram




Gumagawa na rin ng kanyang sariling pangalan si Jinkee Pacquiao sa social media. Isa na siyang maituturing na fashion icon dahil sa mga magagarang litrato nito sa kaniyang Instagram account. Sa kasalukuyan, mayroong 1.3 milyon na followers ang asawa ng Pambansanga Kamao sa Instagram kung kaya’t halatang inaabangan at kinatutuwaan ng mga tao ang mga post nito sa social media.

Photo Credit: @jinkeepacquiao/Instagram

Nito lamang, inipon ng isang website ang mga litrato ni Jinkee Pacquiao sa Instagram kung saan ang kulay ng mga kasuotan nito ay baby pink. Talagang nakakamangha ang kaniyang pagdala dahil kahit sa anong okasyon, simple man o elegante, ay nadadala ni Jinkee ang kulay.

Photo Credit: @jinkeepacquiao/Instagram

Sa unang litrato, bagets ang datingan ni Jinkee sa kanyang monochromatic pink na shorts. At kahit nakikita mong nakasimple ng puting damit lamang ito, may class pa rin ang kanyang suot. Sa susunod na litrato ay makikita ang eleganteng pink na bag ni Jinkee habang nakasuot siya ng floral na off-shoulder pang-itaas. Gamit naman ni Jinkee ang kulay pink na blazer na ito mula sa Chanel na pinares niya sa kanyang pink na bag at puting bestida.

Photo Credit: @jinkeepacquiao/Instagram

Para naman sa mga eleganteng okasyon, may pink rin na kasuotan si Jinkee na ang sentro ng disenyo ay ruffles. Nagterno naman si Jinkee ng pink na hoodie at sweatpants na maaari niyang suotin sa tuwing siya ay babiyahe. Para sa kanyang bakasyon sa Vienna, Austria, suot niya ang isang pink na turtleneck na talagang umangay sa kaniyang pang-ibabang kasuotan.

Kahit sa simpleng oras lamang sa bahay, talagang wala pa rin ni Jinkee ang kanyang damit katulad na lamang ng pink na damit na ito na may polka dots na disenyo na sinamahan pa ng pares ng sandals na mula sa Hermes.

Photo Credit: @jinkeepacquiao/Instagram




 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *