Silipin Ang Pagluluto Ng Gulay Ni Richard Gomez Mula Sa Kanyang Vegetable Garden

Sa panahon ng quarantine ay nabuo nga naman ang pagkahilig ng mga tao sa halaman. Marami nga sa atin ngayon ay talaga namang matatawag ng certified “plantito” at “plantita”, dahil sa naging pagkahilig ng marami sa atin sa mga halaman, at pangongolekta ng iba’t ibang mga uri nito.



Masasabi nga naman natin na sa panahon ng quarantine, ay malaki ang naitutulong ng mga pananim nating halaman sa ating mga buhay, at ito nga ay pinatunayan sa atin ng isa sa ating mga maituturing na ‘celebrity plantito’ na rin ngayon.
Video Credit via YouTube
Si Richard Gomez ay isa sa mga pinakagwapo at sikat na aktor ng kanyang henerasyon sa showbiz, na ngayon ay isa ng public servant dahil sa kanyang panunungkulan bilang Mayor ng Lungsod ng Ormoc.
Video Credit via YouTube
Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Mayor Richard, na maliban sa kanyang pagiging isang Alkalde ng Ormoc ngayon, ay isa na rin umano siyang “certified plantito”, ito ay dahil sa napakarami niyang mga pananim sa bakuran ng kanilang tahanan, at ilan na nga sa mga ito ay ang kanyang mga tanim na gulay.
Video Credit via YouTube
Masasabi na natin na sa pinagdaanan natin ngayon na krisis kung saan halos nagmamahalan na lahat ng mga pangunahing pangangailangan natin at hindi ligtas ang paglabas-labas sa ating mga tahanan upang bumili ng ating ibang pangangailangan sa palengke, ay isa sa mga “survival solutions” ang magkaroon ng sariling ‘vegetable garden’ sa loob ng ating mga bakuran.
Video Credit via YouTube
Katulad nga ng ginawa ni Mayor Richard Gomez, na kahit pa ito’y may kakayahan naman na makabili ng pangangailangan nila ay mas mabuti nito ang magkaroon ng vegetable garden sa kanilang bakuran, kung saan siya ay nagtanim ng mga gulay na madalas nilang ginagamit sa pagluluto.



Sa kanya ngang social media account, ay ibinahagi ni Mayor Richard ang naging pag-harvest niya ng sariwang pechay mula sa kanyang vegetable garden.
“Pechay from our backyard garden to the kitchen”, ang naging caption nga nito.
Video Credit via YouTube
Matapos nga ang naging pagharvest ni Mayor Richard ng Pechay, ay ibinahagi naman nito ang kanyang pagluluto ng ‘pechay guisado”, kung saan ayon sa kanya, ilan din sa mga sangkap na gamit niya tulad ng kamatis ay nagmula rin sa kanyang vegetable garden.
Video Credit: richard gomez/YouTube
https://www.youtube.com/watch?v=nAgSm_E6B9U
Samantala marahil ay marami pa rin sa atin, ang hindi pa nakaka subok na magtanim, ngunit ayon nga sa mga certified “platanito” at “plantita” na tulad ni Mayor Richard, ay nakaka-enjoy itong gawin, at makikita mo ang halaga ng pagtatanim kapag nasubukan mo na at nakikita mo na ang bawat paglago ng iyong mga pananim.
Sa panahon nga naman ng krisis, ay tamanag diskarte ang ating kailangan, kung saan ang ating oras ay mas mainam na magamit natin sa mga bagay na makabuluhan na makakatulong sa ating kabuhayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *