Silipin Ang Pakikipag Kulitan Ni Carlo Aquino Sa Kanyang Napaka Cute Baby na si Enola Mithi

Walang katumbas na saya naman talaga ang nararamdaman ng isang magulang kapag naririnig na niya ang hagikhik ng kanyang anak. Ganitong ganito na ngayon ang nararamdaman ng aktor na si Carlo Aquino, lalo pa’t marunong ng makipagkulitan ay mas nakaka aliw ng laruin ang kanyang baby girl na si Enola Mithi.

Photo Credit: enolamithi/Instagram




Noon lamang ika-5 ng Maro, ay nagbahagi ang aktor ng video nilang mag-ama sa social media kung saan ay kinagigiliwan ng mga netizens ang kanyang baby girl dahil sa taglay nitong kakyutan.

Photo Credit: enolamithi/Instagram

Sa video ng ang ibinahagi ni Carlos ay makikita ang pagtuturo niya ng ‘close-open’ sa unica hija niya, ngunit tila nga marunong na ang naturang sanggol, at mas mabilis pa nga itong nag close open sa aktor.

Photo Credit: enolamithi/Instagram

Nilagay ngang caption n Carlo sa video ay, “Ang tagal naman ni Daddy.”
Labis na ang kinagigiliwan ng mga netizens ang video na ito ng mag-ama, lalo pa nga’t nakikita nila kung gaano ka hands-on si Carlo sa kanyang anak.

Photo Credit: enolamithi/Instagram

Si Enola Mithi ay anak ni Carlo Aquino sa kanyang non-showbiz partner na si Trina Candaza. At ang naturang sanggol ay isinilang noong ika-13 ng Setyembre taong 2020.

Photo Credit: enolamithi/Instagram

Ngayon nga ay 6-buwan na si Enola Mithi, at makikita sa mga larawan nito sa kanyang Instagram account na nilikha ng kanyang mga magulang, ang ganda at kakyutan na taglay nito, kung saan ay masasabi nga natin na maganda ang pinaghalong genes ng kanyang nga magulang na sina Carlo at Trina.

Photo Credit: enolamithi/Instagram

Proud daddy naman talaga si Carlo sa kanyang baby girl. At sa isa ngang hiwalay na post ng aktor, ay makikita ang naging pagbabahagi nito ng labis na pagmamahal sa kanyang anak, sa pamamagitan nga ng pag-post ng larawan niya habang karga karga si Enola Mithi, sabay lakip ng caption na;




“You can thank your stars all you want, but I will always be the lucky one.”
Unang inihayag ni Carlo ang relasyon niya sa ina ng kanyang baby na si Trina Candaza ng magkaroon ng panayam ang aktor sa programang ‘Tonight With Boy Abunda.’ Naging low key ang kanilang relasyon, at ng magbuntis si Trina ay hindi nila ito inihayag sa publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *