Silipin Ang Pamilya Kramer Na Masayang Nag Bonding At Nagpicnic Sa Labas Ng Kanilang Tahanan

Sa pagkakaroon ng krisis sa ating bansa, ay talaga namang marami sa mga outdoors activity ang hindi na ginagawa o nalimitahan, lalo na pagdating sa mga nakasanayan ng mga kabataan na maglaro at mamasyal sa mga playground o sa mga lugar na noon ay kanyang napuntahan.



Ilang buwan na nga rin ang lumipas mula ng ang ilang lugar sa ating bansa ay nasa ilalim sa community quarantine, at ngayon nga na ang buong bansa ay nasa new normal, ay marami sa atin ngayon ang nag-aadjust sa panibagong takbo ng pamumuhay.
Photo Credit: chekakramer/Instagram
Ngunit hindi nga naman ibig sabihin, na hindi na natin ginagawa ang ilan sa mga pamamasyal na nakasanayan natin noon dahil sa panganib na dulot ng virus, ay hindi na tayo makapag-enjoy sa new normal ngayon.
Photo Credit: chekakramer/Instagram
Sa kabila nga ng pagkakaroon ng new normal at panibagong adjustment sa ating pamumuhay, ay marami ang sinusulit ang pagkakataong ito upang mas lalo pang magkaroon ng oras sa pamilya at makapag bonding kasama ang mga ito, kahit sa loob lamang ng tahanan.
Photo Credit: chekakramer/Instagram
At isa na nga sa mga ito ay ang pamilya Kramer, na talaga namang sinusulit ang panahon at oras kung saan ay mas mahabang panahon ang nailalaan nila para sa kanilang mga anak, ngayon na wala silang masyadong pinagkakaabalahan.
Photo Credit: chekakramer/Instagram
Sa kanilang social media account, ay masayang ibinahagi ng mag-asawang Cheska at Doug Kramer ang naging masaya nilang bonding moments pagpapamilya.
Photo Credit: chekakramer/Instagram
Ayon sa mag-asawa ay naisipan ng kanilang anak na si Scarlett ang mag-picnic silang mag-anak sa may labas ng kanilang bahay. At dahil alam nila na magpapasaya ito sa kanilang anak, at mag-eenjoy ang kanilang buong mag-anak ay pinagbigyan nila ito.
Photo Credit: chekakramer/Instagram
Kalakip nga ng masayang mga larawan ng mag-anak sa naging picnic nila ay ang caption na; “A simple request granted. Scarlett ask if we could have a little picnic outdoor. This is only a few minutes away from our house and it’s beautiful.”
Photo Credit: chekakramer/Instagram
“An afternoon well spent! [heart emoji] something real and simple can bring so much contentment. Enjoying this view, the sun, the breeze as we talk about life. Remembering all the things we once enjoyed as a kid and relieving it again with my children this time.”
“Thank you @scarlletlouvellekramer for suggesting a picnic here”



Makikita nga sa larawan na ibinahagi nina Cheska at Doug, na naging napakasaya at enjoy ng kanilang pamilya sa naging picnic nila.
Mapapansin rin sa larawan, ang napakagandang view ng lugar, kung saan tila napaka tahimik at napakapresko ng hangin, kung saan ay napakaganda talagang magbonding, maglaro, magkwentuhan at at kumain kasama ang buong pamilya. Ano ang masasabi niyo sa masayang bonding moments na ito ng pamilya Kramer?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *