Silipin Ang Magarang Bahay Na Bunga Ng Pagsisikap Ni Pops Fernandez

Palagi nating sinusubaybayan ang bawat pangyayari sa buhay ng ating mga iniidolong mga artista at mga mang aawit. Minsan, at kung may pagkakataon, ginagaya natin ang pamamaraan ng kanilang pamumuhay, pananamit, at pati na rin ang ilang bagay na kanilang ginagawa katulad ng kanilang pagpili ng iba’t-ibang dekorasyon sa kahit saang aspeto.

Photo Credit: popsfernandezofficial/Instagram
Photo Credit: popsfernandezofficial/Instagram




Gustong-gusto rin natin makikita ang kanilang personal na buhay upang malaman natin kung ano nga ba ang nangyayari sa kanila sa likod ng kamera. Madalas, mahilig tayong manood at tumingin ng mga magazine na itinatampok ang kanilang mga bahay. Dito na rin tayo makakakuha ng ideya kung ano ang magiging tema ng ating mga pinaplano ang bahay upang maging parehas nito ang bahay ng aking iniidolo.

Photo Credit: pops fernandez/Google
Photo Credit: pops fernandez/Google

Hindi rin naman kasi natin maipagkakaila ng magaganda talaga ang bahay ng ating mga iniidolong artista. Marahil isa sa mga rason kung bakit ito ay magara ay dahil sa kanilang maraming pera at syempre, dahil na rin siguro sa maganda nilang “personal taste.” Nito lamang ay naging usap-usapan sa social media ang bahay ng Concert Queen na si Pops Fernandez. Matatandaang umusbong ang kanyang karera noong unang panahon dahil sa kanyang nakakamanghang boses at galing sa pagkanta. Bagamat hindi na masyadong lumalabas sa telebisyon, hindi pa rin maiwasan ng media na pasukin ang buhay at bahay ng singer.

Photo Credit: pops fernandez/Google

Sa isang edition ng Yes! Magazine noong 2013, itinampok nito ang loob ng bahay ni Pops kasabay ang mga istorya bago at habang ito ay itinatayo. Lingid sa kaalaman ng nakararami, maliban sa kaniyang angking galing sa pagkanta, nadagdag rin sa talento ni Pops ang pagluluto. Inamin ni Pops na kadalasang sina Robin at Ram, kanyang mga anak, ang taga-tikim ng kanyang mga putahe hanggang ngayon. Ito na raw ang naging paraan nilang magpamilya para makapag bonding kung kaya’t hindi na rin nakapagtataka kung bakit napakaganda at napaka maaliwalas ng kanyang kusina.

Photo Credit: pops fernandez/Google

Sa edad na 52, hindi halata sa kanya ang kanyang pagtanda. Hindi rin halatang 52 anyos ang nakaisip ng disenyo ng bahay na ito dahil mayroon itong tema na modernong asyano. At para mas maging maaliwalas pa ang kanilang bahay, hindi niya binigyan ang dibisyon ng kusina, hapag-kainan at sala.

Photo Credit: pops fernandez/Google




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *