Silipin Ang Piniling Buhay Sa Probinsiya Ng Dating Artistang Si Onemig Bondoc Simula Ng Iwan Niya Ang Showbiz

Naaalala nyo pa ba si Onemig o mas kilala sa kanyang tunay na pangalan na Juan Miguel “Onemig” Rivera Bondoc, isa siyang host/actor noon sa ating telebisyon.
Ipinanganak si Onemig noong May 12, 1977, siya ang panganay sa apat na magkakapatid at anak ng businessman na si Mariano Bondoc Jr. at Milo Rivera.

Image Credit via Google




Nag-aral si Onemig sa La Salle, Greenhills ng kanyang Elementary at High School levels, ngunit hindi niya rito natapos ang kanyang highschool dahil siya ay pumunta sa Canada kung saan niya tinapos ang kanyang highschool sa Port Alberni, British Columbia, Canada.

Image Credit via Google

Bago pumasok sa industriya ng showbiz si Onemig ay inihahanda na siya noon ng kanyang ama para mamahala ng kanilang negosyo ng stocks brokerage firm.

Image Credit via Google

Taong 90’s ng makilala at namumukadkad ang karera ni Onemig sa showbiz industry, isa siya sa mga sikat na artista na nakilala dahil sa kanyangaling sa pag-arte na kung saan ay ilang films at Tv series na rin ang kanyang kinabibilangan.

Image Credit via Google

Ilan sa kanyang mga kasamang artista ay sina Angelu De Leon, Diether Ocampo, Ciara Sotto at maraming pang iba. Ilan naman sa mga palabas sa telebisyon na kanyang kinabibilangan ay ang Tabi-tabi po noong 2002, Jologs noong 2002 at ang Trip taong 2011.

Image Credit via Google

Marami pang mga Tv Films na kung saan ay makikita noon si Onemig, at marami rin ang humanga sa kanya dahil sa isa siya sa mga gwapong aktor noon na kinakikiligan ng mga kababaihan at ang iba ay nais pa siyang makita at makilala sa personal.

Image Credit via Google

Ngunit taong 2006, ay iniwan ng aktor ang kinang ng kasikatan sa mundo ng showbiz. Pinili ni Onemig na mamuhay ng mas pribado at tahimik kahit pa nga ang kanyang napangasawa rin ay isang model/actress na si Valerie Bariou.

Image Credit via Google

Pero sa isang naging panayam kay Onemig, ay sinabi ng dating aktor na taong 2013 ay nagkahiwalay rin sila ng kanyang asawa. Ibinahagi rin ng dating aktor na pinaglalaban niya ang kustodiya para sa kanyang mga anak dahil hindi umano isang responsableng ina ang kanyang dating asawa.




Ngayon ay tahimik ang pamumuhay ng dating aktor sa isang probinsya ito ay sa Mariveles, Bataan. Dito ay mayroon siyang Food Franchise Business, na kanyang pinamamahalaan. Isa din siyang avid cyclist na kung saan ay ayon sa kanya ay ang pamumuhay sa probinsya ay natulong sa kanya na mas lalong pamumuhay ng malusog at masaya.
Makikita naman na masaya at at gwapong gwapo pa rin na dating aktor na si Onemig sa larawan niya sa kanyang Facebook Profile.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *