Silipin Ang Sariling Disenyo Ng Condominium Ng Aktres Na Si Roxanne Barcelo

Si Roxanne Barcelo o Anne Roxanne Jordan Barcelo, ay isang kilalang aktres sa Pilipinas. Maliban pa sa pagiging isang aktres ay isa rin siyang modelo at singer.



Matatandaan na noong nagkaroon ng Celebrity Edition ang “Tawag ng Tanghalan” ang It’s Showtime ay isa si Roxanne Barcelo sa mga itinanghal na Grand Champion ng nasabing kompetisyon.
Image Credit via Google
Batid natin na si Roxanne ay isa sa mga artista ng ABS-CBN Network, at dahil nga sa nagsara na ito matapos hindi nito mai-renew ang prangkisa nito ay isa ang aktres sa mga nawalan ng proyekto.
Image Credit via Google
Dahil sa walang proyekto ngayon si Roxanne, ay pinasok na rin ng aktres ang mundo ng vlogging. Sa kanyang YouTube vlog ag talaga namang kinagigiliwan siya ng kanyang mga subscribers at tagahanga, dahil sa kanyang masayahing personalidad.
Image Credit via Google
Kabilang sa mga itinampok ni Roxanne sa kanyang vlog ay ang kanyang bagong Condominium unit, na kung saan ayon sa aktres isa ito sa mga bunga ng kanyang pagiging isang aktres sa showbiz.
Image Credit via Google
Mapapanood nga sa video ng aktres, na bago nito ipakita ang kanyang bagong condo ay bumati muna ito sa kanyang mga followers at subscribers, kung saan ay maririnig ang kanyang nakaka aliw na pagbati.
Image Credit via Google
“Thanks too you mga Badidap, and the power of hardwork, and claiming it started from the bottom, now were here! Started Fresh, mas pina-Fresh pa!!!”, bungad ni Roxanne sa video.
Makikita at kapansin-pansin naman sa video, na sa bagong condominium ng aktres ay talaga namang maraming mga mamahaling kagamitan. Makikita rin ang pagiging organized ni Roxanne.
Sa video, ay makikita rin na binuksan ni Roxanne ang kanyang refrigerator upang maipakita sa kanyang mga followers, kung ano nga ba ang laman ng kanyang ref. at makikita nga natin na ito’y napakaraming lamang pagkain, at ilan pang mga sangkap na ginagamit niya sa pagluluto.
Kwento naman ni Roxanne, mas mapapanatili niyang malakas at malusog ang kanyang katawan ngayon. Hindi umano kumakain ang aktres ng white rice, dahil kadalasan niyang kinakain ay ang mga grains, seeds at oats.
Samantala, balik sa Condo ng aktres ay ipinasilip rin ni Roxanne ang kanyang silid, at sinabi nga nito na ang paborito niyang tambayan sa parte ng kanyang silid ay ang malapit sa glass window kung saan ay madalas siya tumambay at nagmumuni-muni.



Ayon pa kay Roxanne, siya’y 13-taong gulang lamang ng magsimula sa showbiz, kaya namang matagal na siya sa industriya at nakapag-ipon na siya para sa mga bagay na pangarap niya, tulad nitong condo.
https://www.youtube.com/watch?time_continue=969&v=b8vwGniqqNc
Bago nga matapos ang kanyang video vlog, ay nagpasalamat rin si Roxanne sa Poong Maylikha, kung saan ayon sa aktres ay lahat ng bagay na tinatamasa niya ngayon maliit o malaki man ito ay dapat niyang ipagpasalamat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *