Silipin Ang Simple At Masayang Binyag Ng Anak Ng Aktres Na Si Ryza Cenon

Hindi nga matawaran ang kasiyahan ngayon ng isa na ring celebrity mommy na si Ryza Cenon, matapos na dumating sa buhay nila ng kanyang partner na si Miguel Antonio Cruz ang kanilang anak na pinangalanan nilang si baby Knight.




Noon ngang nakaraang taon, bago pa man sumapit ang buwan ng Disyembre kung kalian natin ipinagdiriwang ang kapaskuhan, ay isinilang muna ng aktres na si Ryza Cenon ang kanilang munting anghel na si baby Knight noong buwan ng Disymebre.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Kaya naman para sa aktres at sa kanyang partner sa buhay, ang pagdating ni baby Knight, ang isa sa pinakamagandang regalo na kanilang natanggap mula sa Panginoon, bago pa nga ang araw ng Pasko.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Samantala, makalipas nga ang tatlong buwan, matapos isilang ni Ryza Cenon si baby Knight, ay naisipan na nila ng kanyang partner na pabinyagan na ito.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Ibinahagi ni Ryza Cenon ang naging paghahanda at kaganapan sa naging masayang binyag ni baby Knight, kung saan ito ay dinaluhan ng ilang mga kapamilya at kaibigan ng mag-partner na talagang malalapit sa kanila.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Sinigurado naman ng aktres, na bago pa man ang araw ng binyag ng kanilang anak na si baby Knight, ay inihanda nila ang lahat ng mga nararapat gawin upang masunod ang mga safety protocols na ipinatutupad ngayon, dahil nga sa kinakaharap na krsis ng bansa.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Mapapansin naman ang pagiging good mood ni baby Knight sa araw ng kanyang binyag, dahil mula sa simbahan hanggang sa reception, ay hindi man lang ito umiyak.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Matapos nga ang naging binyag sa simbahan, ay dumiretso na ang mga bisita sa reception ng binyag, kung saan naman makikita, na bago pa man makapasok sa venue ay nagsagawa muna ng swab test para sa mga bisita. At pagpasok naman sa loob ng restaurant, ay umiiral din ang social distancing sa bawat isa.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Makikita naman sa naturang video, na isa sa mga naging ninang ni baby Knight, ay ang mahusay na Kapuso actress, at kaibigan rin ni Ryza sa industriya ng showbiz na si LJ Reyes.




Marahil sa sobrang pagod at antok sa pakikisalamuha sa kanyang mga bisita, ay hindi na kinaya pa ni baby Knight, kaya naman bago pa man matapos ang selebrasyon ng kanyang binyag ay nakatulog na ang naturang sanggol.

Masayang masaya naman ang aktres dahil ngayon ay napabinyagan na nila ang kanilang minamahal na anak, at hangad nga lamang ni Ryza sa paglaki ni baby Knight ay ang lahat ng makabubuti para rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *