Silipin Ang Simple At Masayang Buhay Ngayon Ng Dating Aktres Na Si Empress Schuck

Isa sa mga hinahangaang aktres noon sa industriya ng showbiz ay ang aktres na si Empress Schuck o si Empress Karen Carreon Schuck sa totoong buhay.



Bago naging isang kilalang artista ng ABS-CBN, ay unang nasilayan si Empress sa telebisyon noong taong 1999 kung saan siya ay 7-taong gulang pa lamang, kung saan ay naging commercial model ng Vaseline Shampoo.
Photo Credit: itsempressita/Instagram
Sa sumunod na taon nga, sa edad na 8-taong gulang ni Empress ay nadiskubre siya ng ABS-CBN network, ito ay dahil sa pagkakaroon niya ng angking ganda at galing sa pag-arte.
Photo Credit: itsempressita/Instagram
Naging tuloy-tuloy nga ang magandang takbo ng karera ni Empress mula ng madiskubre siya ng ABS-CBN, at doon na nga siya naging kilalang child star ng nasabing network.
Matatandaan na noong 9-taong gulang si Empress ay agad siyang nagkaroon ng pelikula, ito ay ang 9 Mornings.
Photo Credit: itsempressita/Instagram
Makikita naman sa bawat mga proyekto at pelikulang ginawa ni Empress noon na talagang pinakita niya sa bawat karakter na kanilang ginagampanan ang husay niya sa pag-arte. Kaya naman hanggang magdalaga ang aktres ay hindi na rin mabilang ang mga pelikula na kanyang kinabibilangan.
Photo Credit: itsempressita/Instagram
Simula namang taong 2017, ay naging free-lancer na lamang ang aktres, at madalas rin siyang napapanood noon sa GMA Network.
Sa kabila naman ng matagumpay na karera ni Empress Shuck noon sa showbiz, ay nagdesisyon ang aktres na pansamantalang mamahinga sa pagiging isang actress, ito ay matapos niya aminin sa publiko na siya ay nagdadalang-tao, at ang ama nito ay ang kanyang nobyo na si Vino Guingona.
Photo Credit: itsempressita/Instagram
Si Vino Guingona, ay ang apo ng dating Bise-Presidente ng ating bansa na si Teofisto Guingona Sr. at pamangkin rin siya ng dating senator Teofisto Guingona III.
Ikinagulat naman ng maraming mga tagahanga noon ni Empress ang naging rebelasyon niya sa kanyang naging pagbubuntis, ngunit sa kabila nito ay masaya ang mga ito para sa bagong buhay na tatahakin ng aktres kasama ang magiging anak nito ay partner sa buhay.
Photo Credit: itsempressita/Instagram
Mas naging makulay nga ang buhay ni Empress Shuck ng dumating sa kanyang buhay ang kanyang anak na si Athalia, na isinilang nito noong buwan ng Setyembre taong 2015.
Photo Credit: itsempressita/Instagram
Sa ngayon ay hindi na nga lumalabas sa telebisyon ang dating aktres na si Empress Schuck, dahil sa mas pinili nito ang simple at masayang pamumuhay kasama ang kanyang buong pamilya malayo sa showbiz.



Isang hands-on mom ngayon si Empress Schuck sa kanyang anak na si Athalia, maliban pa rito ay abala rin ang dating aktres sa pamamahala ng kanyang negosyo.
Kahit nga wala na sa larangan ng showbiz na kanyang kinabibilangan noon, ay masaya naman si Empress ngayon sa kanyang buhay dahil nawala man ang kanyang karera at kinang sa pagiging isang actress, ay matagumpay na naman ang kanyang karera sa pagpapatakbo ng negosyo, kung saan ayon sa ilang mga ulat ay marami na itong branch sa iba’t ibang panig ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *