Silipin Ang Simple At Napakagandang Walk-In Closet Ng Aktres Na Si Sam Pinto

Talaga namang isa sa mga nais makita ng maraming mga tagahanga ng mga sikat na personalidad sa showbiz ay ang mga walk-in closet ng kani-kanilang hinahangaan at iniidolo.




Kaya naman marami na rin sa mga artista ang nagawang ipasilip sa kanilang mga tagahanga ang kanilang mga naglalakihang at naggagandahang walk-in closet sa kanilang tahanan upang bigyan ng kasiyahan ang mga taong iniidolo sa kanila.

Image Credit via Google

Samantala, kamakailan nga lamang ng ikasal ang magkasintahang sina Sam Pinto (isang kilalang sexy actress) at Anthony Semerad (kilala bilang isang basketbolista). At bilang bagong mag-asawa na bubuo ng kanilang sariling pamilya, ay lumipat na nga ang dalawa sa kanilang bagong magiging tahanan.

Image Credit via Google

Nang ipasilip nga ng mag-asawa ang bagong tahanan na kanilang tinitirhan ay nakikita nga kung gaano ito maganda dahil sa pagkakaroon nito ng mala-resort na vibes. Ilang linggo nga lamang matapos ng naging pagpapasilip nila ng kanilang tahanan, ay nagbigay pasilip naman si Sam sa kanyang walk-in closet sa pamamagitan ng kanyang latest vlog sa kanyang YouTube channel.

Image Credit via Google

Sa naging pagpapasilip nga ni Sam ng kanyang walk-in closet ay mapapansin agad na ito ay hindi lamang ginawa para lagayan ng kanyang mga damit, kundi ipinasadya rin para sa mga bagay na kanyang madalas ginagamit o habit.

Image Credit via Google

Bilang isang kilalang personalidad din sa showbiz, ay sigurado naman ni Sam lahat ng kanyang mga gamit ay organisado, lalo na ang kanyang mga naggagandahang OOTD na ginagamit niya sa mga okasyon.

Ang walk-in closet ni Sam ay yari sa light wood, at ang disenyo nito ay talaga namang bumagay sa kanyang pangangailangan. Napakaganda at aliwalas rin nitong tingnan dahil sa piniturahan ito ng puti.

Image Credit via Google

Ayon naman kay Sam, nung siya nga ay nag-aayos ng kanyang walk-in closet ay ninais niya na maging consistent ang theme nito kaya naman nagpasya siya na bumili ng 100-pirasong mga wooden hanger, ngunit hindi niya nga inakala na sa dami ng kanyang mga damit ay inabot ng 300-pirasong mga wooden hanger ang kailangan niyang bilhin.

Image Credit via Google

Isang arched mirror naman ang agad na mapapansin sa bungad ng kabuuan ng walk in closet, at ayon nga kay Sam ang espasyo na ito ay kanya rin mismong ipinasadya. Kasunod naman na ipinasilip niya ay ang kanyang mga naggagandahang mga dress.

Video Credit via Sam Pinto/YouTube

Hindi naman pinalampas ni Sam ang pagkakataon na makapagbigay tips sa kanyang mga tagahanga, kung paano at ano ang dapat gawin para makatipid ng espasyo sa bawat lagayan ng mga damit. Ayon nga Kay Sam, para makatipid sa espasyo ay maigi na maglagay ng dalawa o tatlong damit sa isang hanger.




Dahil nga sa pagiging organisado ng mga kagamitan ni Sam sa kanyang walk-in closet ay masasabi nga naman na napakaganda at aliwalas nito.

Maliban naman sa mga damit, ay nagbigay pasilip din si Sam sa mga koleksyon niya ng kanyang mga mamahaling bags, na ayon nga sa kanya ay isa sa mga paborito niya sa kanyang closet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *