Silipin Ang Simple At Tahimik Na Buhay Ng Dating Seksi Aktres Na Si Diana Zubiri

Mahusay na aktres, maganda, at nagtataglay ng napakaseksi at nakabibighaning katawan, yan ang mga katangian na hinangaan ng marami sa popular at sikat na sexy star noon na si Diana Zubiri.




Noon ngang namamayagpag ang kasikatan ni Diana Zubiri bilang isang sexy star,hindi maikakaila na ang taglay niyang karisma, alindog at husay sa pag-arte ang hinangaan sa kanya ng marami niyang mga tagahanga.

Photo Credit: dianazubirismith/Instagram

Taong 2002 ng makilala sa kanyang mga sexy roles sa Seiko Films si Diana Zubiri o sa tunay na buhay ay si Rose Marie Joy Garcia. Dahil sa angking ganda at kaseksihan, ay napabilang rin siya sa FHM. Bagamat, hindi pa nagtatagal sa kanyang mga sexy roles,

Photo Credit: dianazubirismith/Instagram

ay sinbukan naman niya na pasukin ang mundo ng telebisyom, kung saan niya ipinakita na maliban sa pagpapaseksi ay may angking husay din siya sa pagiging isang aktres.

Photo Credit: dianazubirismith/Instagram

Sumabak si Diana Zubiri bilang isang aktres sa mga drama at fanta series, at sa isang fantaserye ng GMA-7 nga siya lalong nakilala ng publiko. Naging popular siya ng gampanan niya ang karakter bila Hara Danaya sa fantaseryeng “Encantadia” na ipinalabas noong taong 2005.

Photo Credit: dianazubirismith/Instagram

Sa halos ilang taon rin ng karera ni Diana sa industriya ng showbiz, ay hindi maikakaila na marami ang kanyang nagin tagahanga at tagasuporta, na laging umaantabay sa kanyang buhay. Kaya naman, ngayon na iniwan na nito ang pagiging isang sexy star at actress, ay marami pa rin ang nagnanais na kamustahin ang kanyang buhay.

Photo Credit: dianazubirismith/Instagram

Pinili ni Diana na bitiwan na ang kanyang showbiz career, upang magpokus sa kanyang pamilya, kung saan ngayon nga ay isa na siyang mabuting maybahay, at hands-on mom sa kanyang mga anak.

Photo Credit: dianazubirismith/Instagram

Samantala, lingid sa kaalaman ng marami, ay maagang nabyuda sa kanyang unang naging asawa na si Alex Lopez. Sa kabila nito, ay tumagal rin naman ng dalawang taon ang kanilang pagsasama, at nabiyayaan sila ng isang anak na lalaki, na si Joaquin Achilles Garcia.

Photo Credit: dianazubirismith/Instagram

Matapos ang limang taon na pagiging mag-isa sa buhay, ay muling umibig si Diana Zubiri, at ito nga ay sa katauhan ni Andie Smith, isang Filipino-Australian. Nagkakakilala sila sa isang blind date, hanggang sa nagkapalagayan ng loob at nagkaibigan. Sa Tokyo, Japan na-engaged ang dalawa, at noon ngang ika-10 ng Mayo 2015 sila ikinasal.

Photo Credit: dianazubirismith/Instagram

Biniyayaan na ng dalawang supling si Diana at ang asawang si Andie, kung saan ang kanilang panganay na anak na si Aliyah Rose Smith ay isinilang noong ika-14 ng Agosto 2016, at noong ika-14 ng Setyembre 2020, sa Makati Medical Center naman isinilang ni Diana ang ikalawa nilang anak na si Amira Jade Smith.

Ayon sa dating aktres, ay mas pinili niyang maging pribado ang pagbubuntis at naging panganganak niya sa pangatlong anak dahil sa naging maselan ang naging pagbubuntis niya dito.




Hindi naman maikakaila na kaygaganda ng mga anak ng mag—asawa, at wala ngang duda na nagmana ang mga ito sa magandang lahi ng kanilang mga magulang.

Tulad ng iba, ay marami ngang pinagdaanang pagsubok si Diana sa buhay, ngunit sa kabila nito ay nanatili siyang positibo sa buhay. At ngayon nga, isang masaya, simple at tahimik na buhay ang kanyang nasumpungan kasama ang binuo niyang pamilya. Malayo sa buhay noon bilang isang sesy star-actress, ay isa ng fulltime housewife at hands-on mommy ngayon si Diana Zubiri.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *