Silipin Ang Simple Ngunit Eleganteng Pag-iisang Dibdib Ni Megan Young At Mikael Daez

Ang kasal ay ang seremonya para sa dalawang taong nagmamahalan na nais mabasbasan ng Diyos ang kanilang pagsasama upang sila ay maging isa. Ito rin ay pangarap ng nakararami sa atin, ang maikasal sa taong mahal natin at nais nating makasama habang buhay.

Image Credit via Google




Ilan sa ating mga kilalang celebrity ay isinasapubliko kung sila ag ikakasal na, ngunit may ilan din namang celebrity na mas nais maging pribado at simple ang kanilang kasal at isa na nga dito ang magkasintahan Megan Young at Mikael Daez na ginulat ang lahat ng anunsyo nila na sila ay kasal na.

Image Credit via Google

Nitong nakaraan araw ng sabado ay ikinasal na nga ang matagal ng magkasintahan na Megan Young at Mikael Daez sa isang intimate wedding ceremony sa San Roque Chapel sa Subic, zambales at marami talaga ang nasurpresa sa naganap na kasalang ito.
Sa kanilang magkaibang instagram post ay parehong inanunsyo nina Megan at Mikael na silang dalawa ay kasal na.

Image Credit via Google

Sa instagram ni Megan Young ay makikita ang post ng actress na “Megan Young-Daez & Mikael-Daez-Young”. Kalakip ng caption na ito ay ang larawan nila ni Mikael na kung saan ay nakasuot ang beautyqueen ng knee-length white asymmetrical frock and pointy-toed pumps habang si Mikael naman ay nakasuot ng light brown suit na napasailalim ang isang white shirt at tinernuhan niya ito ng black leather derbies.

Image Credit via Google

Sa kabilang banda naman ay makikita na nagpost din si Mikael Daez sa kanyang instagram ng “Hello to Megan Young-Daez and it’s time for me to get used to Mikael Daez-Young.#Finally” na may kasama pang smiley emoji at heart emoji.

Image Credit via Google

Hindi naman nagpahuli ang kapatid na actress ni Megan na si Lauren Young na batiin ang bagong kasal at sa kanyang instagram ay nagbahagi ito ng larawan nina Megan at Mikael na nasa Altar na may caption na “Bonez at Fofo Forever” na tumutukoy sa dalawa.
“Welcome to the family Mikael! I love you guys” ang pahabol pa nga na mensahe ni Lauren Young para sa mga bagong kasal.

Image Credit via Google

May ilan kaibigan din sa showbiz na nagpaabot ng maligayang pagbati para kana Mikael at Megan, Isa na dito ang kaibigan niyang si Saab Magalona-Bacarro na talagang kinilig sa kaganapan sa buhay ng dalawang lovely couple.

Image Credit via Google

“Pure Happiness, Mabuhay ang bagong kasal!” ang pagbati ni Saab na sinundan pa nya ng mga heart emojis. Makikita rin na nagbahagi si Megan Young sa kanyang social media account ng mga larawan nila ng kanyang asawa ngayon na si Mikael Daez.

Matatandaan naman na noong 2017 ng aminin ni Mikael Daez ang tunay na estado ng relasyon nila ni Megan Young. Pagkatapos nga ng pag-aming naganap ay isinapubliko na ng dalawa ang mga ganap sa kanilang relasyon katulad na lang ng kanilang masasayang travel together at mga sweet dates.

Kumalat din ang balita noon na nagpakasal ang dalawa sa isang secret marriage dahil sa nag sasama na umano ang mga ito sa iisang bubong na agad namang ideneny ni Megan Young ng siya ay interviewhin na tungkol dito. Narito ang kanyang naging pahayag noon.
“Nagulat nga ako, narinig ko rin. I think it was my mom who asked me about it” at agad siyang sumagot ng “No! we’re not married.”




Ngayon nga na totoo ng kasal ang dalawa (Megan at Mikael), ay hindi naman maikubli ang sayang makikita sa mga larawan nilang dalawa sa naganap na kasalan. Marami rin sa kanilang mga tagahanga ang nagulat man pero naging masaya pa rin dahil sa wakas ay pauwi na sa kasalan ang dalawang lovely couple.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *