Silipin Ang Simple Ngunit Eleganteng Tahanan Ng Artistang Si Anne Curtis

Kilala natin ang aktres/host na si Anne Curtis-Heussaff na isa sa mga magandang bituin sa industriya ng showbiz. Siya ang tinaguriang Diyosa sa industriya, hindi nga naman kataka-taka dahil taglay niya ang magandang mukha, maalindog na katawan at galing sa pag-arte bilang isang actress.

Photo Credit: annecurtissmith/Instagram




Ngunit alam niyo ba na bago naging isang kilalang aktres si Anne Curtis ay nagmula na talaga siya sa pamilyang may sinasabi sa buhay. Ang kanyang ama ay isang Australianong abogado na si James Ernest Curtis-Smith at ang kanyang ina naman ay isang Pinay na mula sa Pangasinan na si Carmencita Ojales.

Photo Credit: annecurtissmith/Instagram

Kaya’t bago pa man maging isang artista ay talaga namang maayos at kompotable na ang pamumuhay ng aktres. Kaya’t hindi naman magiging imposible sa actress/host na nakapag pundar siya ng kanyang sariling tahanan na napakalaki at napaka elegante na mula mismo sa perang kanyang pinagpaguran.

Photo Credit: annecurtissmith/Instagram

Base sa mga ulat ang napakagandang tahanan ni Anne Curtis ay matatagpuan sa may bandang Timog ng Maynila at ang nagdisenyo umano nito ay ang magkapatid at design partners na sina Ivy at Cynthia Almario. Ang tahanang umano ring ito ng actress/host ay iba sa tahanan nila ng kanyang asawang si erwan Heussaff.

Photo Credit: annecurtissmith/Instagram

Masasabi mo nga naman na napakaganda at napaka elegante ng tahanan ni Anne Curtis dahil sa eksterior pa lamang nito ay bibilib ka na agad sa kulay pastel at English country-style na tema sa harapan nito. Sa loob naman ng tahanan ay kapansin-pansin ang “Soft Light” at “Soothing Color Palettes” na si Anne mismo ang may gusto na maging kulay ng loob ng kanyang tahanan.

Photo Credit: annecurtissmith/Instagram

Modern Style at Timeless Victorian ang disenyo ng eleganteng tahanan na ito ng actress/host. Mabibighani ka naman sa mga kagamitan na makikita mo sa loob ng tahanan ni Anne dahil ang mga ito ay kanya pang ipinasadya at pinagawa.

Video credit: YouTube

Hindi naman idinetalye sa publiko kung saan ang mismong lokasyon ng tahanan na ito ng actress/host ngunit ayon na rin sa ibang ulat ay matatagpuan ito sa may Southern Manila. Hindi naman mapigilan ng mga netizens na isipin kung saan ng aba banda ang tahanan ng aktres, ang iba ay iniisip nab aka nasa bandang Paraṅaque o Alabang ito.




Ibinahagi naman ng soon-to-be-mom sa publiko kung ano ang nais niyang tahanan na para sa kanyang pamilya at kalalakihan ng kanyang mga magiging anak, at ayon kay Anne ay nais niya na ang kanyang tahanan ay yung malalanghap kang sariwang hangin at “smog” o katulad ng pinaghalong usok at hamog sa Makati kapag siya ay nasa Skyway.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *