Silipin Ang Simple Ngunit Napaka Eleganteng Bahay Ni Julia Montes

Marami na tayong mga nasilip na bahay ng mga sikat na personalidad sa industriya ng showbiz. At karamihan ng sa mga ito ay malaki, magagarbo at malapalasyong bahay na talaga namang pinaggastusan ng ating mga kilalang personalidad.

Image Credit via Google




Ang ibang mga kilala nating sikat ay may mga kwento ng buhay na rags to riches, kaya’t malaking achievement para sa kanila ang makapagtayo ng bahay bunga ng pagsisikap nila sa industriya ng kanilang kinabibilangan.

Image Credit via Google

Iba’t-ibang klase na ng bahay ng mga sikat na artista ang ating nabisita, mayroong mansyon, mayroong mga bahay-bakasyunan sa mga probinsya o kaya naman ay mga beach houses na kanilang naipundar.

Image Credit via Google

Ngayon ayn isang bahay naman ng actress ang ating sisilipin at bisitahin at ito ay ang bahay ni Julia Montes Taong 2012 ng maghanap ang actress na si Julia Montes ng kanyang magiging bahay sa Antipolo, ngunit nahirapan siyang maghanap dahil karamihan sa mga ito ay mahal o di kaya naman ay kailangan pa ng maraming renovation kaya’t mapapagastos ka din.

Image Credit via Google

Ngunit hindi nagtagal ay nakakita rin ang aktres ng isang maayos na bahay na halos tapos na at hindi mahirap linisin at ayusin. Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Julia ang loob at labas ng kanyang bagong tahanan sa Antipolo.

Image Credit via Google

Sa labas ng bahay ng actress ay makikita ang isang gate na napipinturahan ng itim na may gold accent din, samantala ang bubong naman ng bahay ay gawa sa tiles at bricks.
Pagpasok naman sa loob ng kabahayan ay bubungad ang napakaganda at napaka aliwalas na sala. Makikita rin dito ang mga wooden at cushion chair at kapansin-pansin din ang mga dekorasyon dito na karamihan ay kulay brown.

Image Credit via Google

Ang flat screen TV naman ng actress ay makikita sa may tabi ng hagdan nankung saan sa ilalim nito ay isang lamesa at sa tabi naman ay ang magazine rack. Makikita rin na may screen divider sa may dining area at kitchen area ng bahay. Isang 6 seater dining table din ang matatagpuan sa dining area na kung saan ay ang mga gamit sa pagkain tulad pinggan at utensils ay mga kulay pula.

Image Credit via Google

Tanaw din mula sa hapagkainan ang garden ng naturang bahay, dahil may sliding door na ang access sa dining area papunta sa garden. Matatagpuan naman ang comfort room na para sa mga bisita sa may bandang hagdan ng bahay, at pagpasok mo rito ay bubungad sayo ang mala-spa na tema ng CR.

Image Credit via Google

Ang walk-in-closet ng bahay na talagang isa sa mga nais masilayan ng mga netizens ay ipinasilip din ni Julia, dito ay makikita ang kanyang mga kagamitan katulad ng damit, bags, accessories at mga sapatos na nakaayos ng pagkakakilanlan at pagkakadisplay.
Isang maaliwalas din na Bedroom ang silid-tulugan ni Julia na kung saan ay komportable siyang makakapag pahinga.




Ngayong taon nga ay kasado na ang muling pagbabalik Telebisyon ng actress na si Julia Montes matapos niyang magbakasyon ng halos isang taon sa industriya. At isa sa aabangan niyang serye na ipapalabas ngayong 2020 ay ang 24/7 na sinisigurado natin na ibang Julia Montes na naman ang nagpapakita ng galing sa pag-arte sa naturang show na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *