Silipin Ang Simpleng Bahay Sa Bulacan Na Naipundar Ng Komedyanteng Si Empoy

Marami sa atin ang nangangarap na magkaroon ng isang konkreto at magandang bahay, att tuald nga natin ay maging ang mga kilalang personalidad at artista ay ito rin ang pinapangarap.



Marami na nga tayong mga bahay ng artista na nasilip, at ngayon ay ang bahay naman ng komedyanteng aktor na si Empoy Marquez ang ating sisilipin.
Image Credit via Google
Upang matupad nga ang kanyang pinapangarap na bahay, ay talagang pinag sumikapan ng komedyanteng si Empoy ang nagkaroon siya ng magandang career sa showbiz industry. At matapos ngang maging matagumpay sa career ay ipinatayo niya ang kanyang simple ngunit magandang bahay sa kanilang probinsya sa Bulacan.
Image Credit via Google
Nagsimulang makilala si Empoy sa industriya ng showbiz ng una siyang masilayan sa pelikula noong taong 2003 na “Mr. Si Vhong Navarro. Mas lalo pa ngang nakilala si Empoy dahil sa kanyang personalidad na nakakatuwa at nagbibigay aliw sa mga manonood.
Taong 2017 naman ng mas lalong naging popular si Empoy, ito ay ng maging matagumpay at tungkulin ng mga manonood ang unang pelikula na kanyang pinagbibidahan at ito ay ang “Kita Kita”, kung saan ay naging katambal niya ang aktres na si Alessandra De Rossi.
At dahil nga sa naging bunga ng kanyang pagsisikap sa kanyang trabaho bilang isang aktor, ay naging posible kay Empoy ang ipinatayo ang kanyang pinapangarap na bahay. Ito ay isang two-storey house na ipinatayo niya sa kanilang probinsya sa Bulacan, na kung saan hindi man ito kabonggahan sa laki, ay makikita naman ang pagiging simple at elegante nito.
Makikita rin na ang disenyo at ayos ng bahay ay tugma sa personalidad na mayroon ang komedyanteng aktor. Narito nga ang munting pasilip sa bahay ni Empoy Marquez;
Living Area
Image Credit via Google
Makikita ang isang simple ngunit napaka-ayos na living area, na ang mga kagamitan ay yellow storage ottoman, a low center table, isang may pagka-brown na L-shape couch, at isang green chair na nakapwesto sa may bandang ilalim ng hagdan.
Mayroon ding wooden shelf sa may bandang gilid kung saan nakapatong ang kanyang flat-screen television at speakers.
Altar
Image Credit via Google
Mayroon ding mini-altar sa bahay ng komedyante kung saan makikita ang imahe ng statue nina Mama Mary, Sto. Nino, at isang Framed Picture of the Sacred Heart of Jesus. Sa may papuntang kusina makikita ang mini altar na ito.
Dining Area
Image Credit via Google
Sa dining area naman makikita ang isang hapag-kainan na pang anim na tao, kung saan ang mga upuan ay may silk printed fabric na disenyo.
Kitchen
Image Credit via Google
Simple at hindi kalakihan ang kusina ng bahay ni Empoy, ngunit makikita sa larawan na napakalinis nito , kung saan ay organized na nakatago sa hanging wooden cabinet ang kanilang ibang gamit sa kusina at ang mga kitchen utensils naman nila ay nakalagay sa isang maliit na white cabinet na nakalagay sa mga bandang sulok.
Bedroom
Image Credit via Google
Isang air conditioned bedroom naman ang pangalan ni Empoy, kung saan ang kanyang mga kagamitan rin dito ay sofa bed, flat-screen tv, at mga seating pieces na pwedeng upuan kapag siya ay may bisita.
May sarili ring bathroom sa silid na ito ng komedyante. Upang makapasok ang natural na liwanag sa silid ni Empoy ay pinili rin nito ang sliding door para dito.
Balcony
Image Credit via Google
Sa tuwing nais naman mag relax ng komedyante, ang balcony sa kanyang bahay ang isang lugar na kanyang tinatambayan dahil sa magandang view na makikita dito. dahil sa malaapd ito, ay madalas dim dito nag salo-salo ang pamilya ni Empoy sa tuwing may mga okasyon o selebrasyon.
Image Credit via Google
Nakikita nga sa mga larawan ng bahay ni Empoy na isa itong simpleng bahay ngunit kumportable, na kung saan ay ito naman talaga ang kanyang pangarap.



“Simple lang na up and down. Basta gusto ko, yung pamilya ko kasama ko. Tapos, kunwari may laruan sa loob, basketbolan sa loob, gano’n. Tapos may pool. Gusto ko may bukid, tapos overlooking. Makikita ‘yung bukid mula sa bahay. Bukid, pero may swimming pool, hehe”.
Ang naging saad nga noon ni Empoy ng tanungin siya kung ano ang pangarap niya pag siya ay nagpatayo ng bahay, na kung saan ito ay natupad na niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *