Silipin Ang Simpleng Pamumuhay Ngayon Ng Dating Hot Actress Na Si Ana Capri Matapos Bumuo Ng Pamilya

Isa sa mga naggagandahang actress noong dekada 90 ay si na Capri o sa kanya ngang tunay na pangalan ay Ynfante Avanica. Ang kanyang pagiging isang Morena, pagkakaroon ng kaakit-akit na mga mata at balingkinitan katawan ang talaga naman naging puhunan niya para maging popular bilang isang aktres sa industriya ng showbiz.




Siya’y nakilala at sumikat noong dekada 90 sa kanyang mga naging daring roles, kagaya na nga lamang ng “Nag-iinit na Damdamin”, Virgin People 2” at “Pila Balde”.

Photo Credit: the_anacapri/Instagram

Dahil nga sa talagang isa siya sa mga popular at sikat na aktres noon ay hindi na rin mabilang ang mga pelikula na kanyang ginawa. Kung saan mapa-drama o komedya man nga ay pasok na pasok ang kanilang husay pagdating sa aktingan.

Photo Credit: the_anacapri/Instagram

Taong 2017 ng siya’y makatanggap ng parangal at hirangin nga bilang “Movie Supporting Actress of the Year” sa pelikula niyang “Laut”. Nakatanggap rin siya ng parangal bilang “Best Actress” noong taong 1999 at 2005.

Photo Credit: the_anacapri/Instagram

Tunay ngang napakaganda ng karera ni Ana Capri bilang isang aktres, at maliban pa dito ay mayroon rin siyang masayang buhay pag-ibig sa kanyang Australian boyfriend na si Dave, isang businessman.

Photo Credit: the_anacapri/Instagram

Ikinasal si Ana Capri sa kanyang foreign boyfriend na si Dave noong taong 2019, at kasunod nga nito ay agad rin siyang nagdalang-tao. “Calling ni God. We finally found each other and we realized that it’s time for us to start a next major journey in our relationship”, ang naging pahayag nga ng 31-taong gulang na aktres nung tanungin iti kung bakit nagdesisyon na itong magpakasal.

Photo Credit: the_anacapri/Instagram

Samantala, matapos ngang magpakasal ni Ana Capri ay pinili nito na iwan na ang makulay at maingay na mundo ng showbiz upang mas magbigay pokus sa kanyang pamilya, lalo na ngayon na siya’y isang ina na napakacute na baby boy.

Photo Credit: the_anacapri/Instagram

Dagdag ba saad nga ng dating hot actress, “Acting is a big part of me. That is who I am. I believed I have worked my way that I established myself well enough to be able to have time for a new chapter naman in my life.”




Ikinalulungkot man ng marami ang naging desisyon ni Ana Capri na iwan na ang kanyang karera sa mundo ng showbiz bilang isang mahusay na aktres, ay ikinatuwa naman ng mga tagahanga niya na malaman na masaya ito sa simpleng buhay nito ngayon kasama ang binuo niyang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *