Silipin Ang Simpleng Pamumuhay Ni Pokwang Kahit Pa Nga Ba Sa Isang Mansyon Bahay Ito Nakatira

Dito sa ating bansa, ay marami na nga ang mga popular na komedyante ang talaga namang sumikat at umunlad ang pamumuhay, at isa na nga sa mga ito ay si Pokwang, na kilala bilang isa sa magaling na komedyante sa industriya ng showbiz dito sa Pilipinas.



Si Marietta Subong o mas kilala ng publiko bilang si Pokwang ay pang siyam sa labing-dalawang magkapatid at ipinanganak noong August 27, 1960.
Image Credit via Google
Marami nga sa mga tagahanga ni Pokwang ang nakaka-alam na ang comedian-actress ay mula sa isang mahirap na pamilya, kung saan ay ang kahirapan nga nila noon ang nagtulak rito upang subukang magtrabaho sa bansang Japan bilang choreographer sa edad niya noon na 17-taon.
Image Credit via Google
Mula nga sa kanyang pagtatrabaho sa ibang bansa, ay sinuportahan ni Pokwang ang kanyang pamilya. Nakapagtrabaho rin si Pokwang sa bansang Abu Dhabi, ngunit kailangan nitong magbalik sa Pilipinas dahil sa pagkamatay ng kanyang anak at ito na rin ang dahilan kung bakit hindi na siya muling nangibang bansa.
Image Credit via Google
Nagsimula ang karera ni Pokwang sa industriya ng showbiz bilang isang komedyante, ng siya ay maging kalahok at nagwagi sa ABS-CBN show na “Clown in a Million” taong 2004.
Image Credit via Google
Sa kanya ng ang pagwawagi sa naturang show, ay maraming mga pintuan at oportunidad ang nagbukas kay Pokwang, at dito na nga nag-umpisa ang magandang pagbabago sa kanyang buhay.
Image Credit via Google
Dahil sa kanyang pagsisikap bilang isang comedia-actress, ay nakapag pundar na si Pokwang ng ari-arian, at isa na nga sa mga ito ang kanyang huge property sa Antipolo kung saan nakatayo ang kanyang napakalaki at napakagandang bahay.
Image Credit via Google
Makikita nga sa mala-palasyong tahanan na ito ni Pokwang ngayon ang lahat ng bunga ng kanyang pagsisikap sa pagiging isang artista.
Image Credit via Google
Ang mala-masyong tahanan na ito ng komedyante ay may walk-in closet, fish pond na napakaraming Koi fish, at isang lap pool kung saan ay madalas niyang ginagawa ang kanyang pag-eehersisyo.
Makikita rin na ang mga silid ay talaga namang pangmayaman, mga closets ay pang-mall ang dating sa dami ng mga damit at kusina na napakalinis tignan.



Ngunit ayon nga sa ilang artikulo bago manirahan si Pokwang sa kanyang naipundar na malaking bahay ngayon, ay una silang naninirahan sa isang maliit na bahay kung saan ay mas inaalagaan niya ang kanyang ina.
Sa ngayon, ay naninirahan si Pokwang at kanya ng pamilya sa mala-mansion nilang tahanan, ngunit kahit pa ng aba napakalaki ng kanilang bahay ay talaga namang makikita sa komedyante na napanatili nito ang pagiging simple niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *