Silipin Ang Tagaytay Mansion Ni Willie Revillame Na Isa Sa Pinakamagandang Ari-arian

Si Willie Revillame o mas kilala ng publiko ngayon bilang si Kuya Wil ay isa sa maituturing na pinakamayamang artista sa industriya ng showbiz ngayon.




Ilan sa kanyang mga ari-arian na magpapatunay ng kanyang yaman ay ang kanyang mga mala-mansyong tahanan, malaki at modernong yate, at ang kanyang mga mamahaling mga sasakyan na talaga namang ang iba ay nakakalula ang presyo.

Image Credit via Google

Isa nga sa mga ari-arian ni Kuya Wil na talagang sobrang ganda dahil sa naka-locate ito sa napakarelaxing na lugar ay ang kanyang mansyon sa Tagaytay.

Image Credit via Google

Hindi nga lamang ang ganda at laki ng mansyon na ito ni Kuya Wil ang kabibiliban ng mga makakapunta rito, dahil isa pa sa masasabing maganda sa tahanan niyang ito ay ang natural na ganda ng view dito.

Image Credit via Google

Ang malaman mong tahanan nang ito ay itatayo sa isang mataas na lugar sa Tagaytay, upang mas tanaw ang magandang tanawin at syempre ang Bulkang Taal. Nakamamangha nga naman talaga ang tanawin dito, at napaka refreshing dahil sa malamig at sariwang simoy ng hangin.

Image Credit via Google

Ayon sa isang ulat, wala masyadong nakaka-alam ng ari-arian na ito ni Kuya Wil ngunit aksidente niya itong nabunyag ng siya ay mag “test-drive” ng kanyang bagong sasakyan.
Tunay nga naman na mansyon kung maituturing ang tahanan na ito ni Kuya Wil, dahil kung sa kapaligiran nito sa labas ay tila isang paraiso ang ganda masasabi na naman na mala palasyo ang laki ang disenyo ng loob ng bahay nito.

Image Credit via Google

Isang malawak na living room na may mga mamahalin at magandang kagamitan na naman ang bubungad sa pagpasok pa lang sa loob ng bahay. Dito ay makikita ang isang malaking Flat Screen TV na animoy nasa sinehan ka, dahil sa laki at linaw nito.

Image Credit via Google

Mag-eenjoy din sa pagluluto ang sino mang bibisita rito at masilip ang Kitchen, dahil sa napakalinis nito at organized ang mga kagamitan. Mayroon ding Gym at swimming pool sa tahanan na ito ni Kuya Wil, upang maging libangan niya o kung sino man ang mga pamilya o kaibigan niya na mapapasyalan dito.

Image Credit via Google




Pagdating naman ng gabi, ay mas mamangha ka pa buong kabahayan ni Kuya Wil, dahil sa nagliliwanag ang mga Led Lights nito na nagbibigay tingkad at ganda pa lalo sa nasabing bahay.

Image Credit via Google

Masasabi nga naman talaga natin na malayong-malayo na ang narating ni Kuya Wil sa kanyang buhay, dahil marami sa atin ang nakaka-alam na naranasan din niya ang maging isang mahirap. Pero dahil sa kanyang pagtitiyaga at kabutihan ay talaga namang bumuhos ang biyaya sa buhay ni Kuya Wil.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *