Silipin Ang Tahanan At Mamangha Sa Mga Toy Collections Ng Multi-Awarded Singer Na Si Jed Madela

Malugod na ipinasilip ng Multi-Awarded singer na si Jed Madela sa publiko ang kanyang tahanan, kung saan ayon sa kanya ang tahanan niyang ito ang bunga ng kanyang pagsisikap at pagtatrabaho sa showbiz sa loob ng halos 15-taon.



Sa Youtube channel ng Star Magic, ay ibinahagi ni Jed ang isang house tour mula sa kanyang napakagandang tahanan, at dito nga ay isa-isa niyang ipinakita ang loob ng kanyang bahay at ang mga paborito niyang sports dito.
Image Credit via YouTube
Makikita nga sa video, na unang ipinakita ni Jed ang bahaging sala at kusina ng kanyang bahay.
Image Credit via YouTube
Ayon nga sa singer, mula ng mag lockdown, ay nadiskubre niya na siya pala ay mahilig sa pagluluto, kaya naman naging madalas na ang kanyang pagluluto sa kanyang kusina at ang madalas nga nilang ine-enjoy ng kanyang pamilya mula ng mag quarantine ay ang pagluluto ng iba’t ibang international cuisine.
Image Credit via YouTube
Masasabi rin natin na isang certified plantito na rin si Jed, ito ay dahil mapapansin sa kanyang dining room ang mga koleksiyon niya ng mga potted plants.
Image Credit via YouTube
Ayon nga kay Jed, isa siya sa mga nalibang sa pagtatanim ng halaman mula ng magkaroon ng quarantine.
Image Credit via YouTube
“Late, kasi nga lockdown, wala tayong masyadong magawa, hindi tayo masyadong lumalabas. So we try our best to keep ourselves busy. And lately pumasok ako into the wonderful world of taking care plants. Pero dati pa naman mahilig na kami sa halaman kasi ‘yung mommy ko sobrang hilig niya mag-garden. Ngayon lang ako sobrang into potted plant.”
Image Credit via YouTube
Ipinakita rin ni Jed, na sa kanilang tahanan ay mayroong lounge/prayer area, kung saan ito ang isa sa mga paborito niyang spot dahil sa nararamdaman niya lugar na ito ang “peace at relaxation.”
Image Credit via YouTube
“Nagpagawa kami ng altar dito. Isa sa favorite spots ko, favorite area ko sa bahay ang prayer area naming. Siguro dito ako makakahanap ng peace and relaxation, and time for myself, time to meditate, time to say my prayers and talk to God.”
Image Credit via YouTube
Mapapansin naman sa hallway ng tahanan ni Jed ang ilang mga obra, kung saan ayon sa kanya, karamihan sa mga ito ay bigay ng kanyang mga kaibigan sa industriya.
Maliban nga sa pagpapakita ng ganda ng kanyang tahanan, ay ibinida rin ni Jed ang mga koleksiyon niya ng mga Funko toys, kung saan ayon sa singer ay sinimulan niya ang pangongolekta nito ay taong 2018 pa. sa dami nga ng mga koleksiyon ni Jed ng kanyang mga Funko toys, ay naglaan na ang singer ng isang kwarto para sa mga ito.
Ibinahagi naman ni Jed na kapag nararamdaman niya ang pagka-toxic ng mundo, ay sa loob ng silid kung nasaan ang kanyang mga koleksiyon, doon siya madalas nagkukulong.
“Siguro yun ang pinaka-therapy ko. It reminds me of childhood. It reminds me of how simple things were when I was a kid. Nakaka-nostalgic ng feeling when I see toys it makes me happy. It makes me relax.”
Bago naman matapos ang kanyang house tour video, ay ipinasilip rin ni Jed ang kanyang creative studio, kung saan ayon sa kanya ay isa itong entertainment room. Dito umano ginagawa ni Jed ang iba’t ibang digital at video content, at dito rin niya ginawa ang kanyang mga laruan.



“Lately. I discovered my new passion. I got into art toy designing. My very first art toy is going to be released soon and his name is Voodoo.”
Video Credit: jed madela/YouTube
https://www.youtube.com/watch?v=FQGpggnaj6U&feature=emb_logo
Ibinahagi nga rin ng Multi-Awarded singer, na ngayon ay mayroon siyang nadiskubre na panibago niyang hilig, at ito ay ang pagdisenyo ng mga laruan. Sa katunayan, ay malapit ng umano niyang ilabas ang kauna-unahang art toy na kanyang ginawa, at ito nga ay tinawag niyang Voodoo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *