Silipin Ang Tahanan Ng Aktres Na Si Alice Dixson Na Matatagpuan Sa Napakagandang Isla Ng Boracay

Bawat isa sa atin, ay may pinapangarap na “dream house”, at syempre kasabay nito, ay ang ipatayo ito sa pangarap nating lugar o “dream place”.



Ilan sa mga pinapangarap ng marami sa atin na dream place kung saan itatayo ang kanilang tahanan ay sa tuktok ng bundok o kaya naman ay tabi ng dalampasigan, dahil mas tahimik at simple ang pamumuhay sa mga ganitong lugar na malayo sa kabihasnan.
Image Credit via YouTube
Kahit mga kilalang personalidad sa showbiz na nasanay sa buhay sa siyudad, ay pinapangarap ang magkaroon ng tahanan sa mga lugar na kanilang pinapangarap, tulad sa probinsya o isang isla kung saan presko ang hangin at walang polusyon.
Image Credit via YouTube
Isa si Alice Dixson sa mga kilalang personalidad sa showbiz, na nagmamay-ari ng isang napakagandang tahanan sa isang napakagandang isla, na talaga namang tahimik at may napakaaliwalas na tanawin.
Image Credit via YouTube
Dahil sa marami sa kanyang mga tagahanga ng nagre-request sa aktres na masilip ang kanyang tahanan, ay pinagbigyan na ito ni Alice sa unang pagkakataon.
Kamakailan lamang, sa kanyang vlog ay ipinakita ni Alice Dixson ang kanyang napakagandang tahanan na matatagpuan sa isa sa pinakamagandang isla sa ating bansa, at ito ay sa isla ng Boracay.
Image Credit via YouTube
Unang ipinakita ng aktres sa bahagi ng kanyang tahanan ay ang pool area na nasa bandang garden, kung saan ayon sa kanya, ay masarap ang maligo at magbabad dito dahil sa madalas itong nasisikatan ng araw.
Image Credit via YouTube
Makikita rin sa vlog ng aktres na ang kanyang tahanan, ay may malawak na kusina. Mayroon rin itong guestroom na kung saan ayon sa aktres, ay isa ito sa mga paborito rin niyang lugar sa kanyang tahanan dahil sa napak relaxing at calming ng silid na ito.
Image Credit via YouTube
Sa isang sulok rin ng tahanan ni Alice Dixson, ay mayroong lugar na para sa alagang aso ng aktres na si “Blondie”.
Image Credit via YouTube
Nakamamangha rin ang master’s bedroom ni Alice, dahil sa ang mga muwebles at kagamitan na makikita rito, ay island-inspired ang disenyo.
Image Credit via YouTube
Ipinagmamalaki rin ni Alice ang napakaganda at tila perpektong tanawin na makikita mula sa kanyang tahanan, kung saan ay tanaw na tanaw ang halos kabuuan ng nakakamangha ang isla ng Boracay.
“Another reason why our place is so magical is because of the view…. By far this is one of the best views on the island”, saad nga ni Alice habang ipinapakita sa video ang magandang tanawin na kanyang natatanaw mula sa kanyang tahanan.
“You get the morning sun and the sunset”, dagdag pa ng aktres. Ayon nga kay Alice, ang lugar kung saan nakatirik ang kanyang tahanan ay sa isang mataas na lugar sa isla, na talaga namang tinatanaw ang malawak na bahagi ng Boracay, tulad ng station 1,2 at 3. Sa parte rin umanong ito ng isla madalas magpunta ang mga kitesurfers.
Tanaw rin mula sa tahanan ng aktres ang windmills ng Aklan, pati na rin ang kalapit isla nitong Calapan.
Video Credit: Alice Dixon/YouTube
https://www.youtube.com/watch?time_continue=92&v=GsItecj4OAc&feature=emb_logo
Samantala, isa pa sa tunay na nakamamangha sa bahagi ng tahanan ni Alice ay ang kanilang dining area na kung saan ay mula sa bahaging iyon ng bahay ay tanaw na tanaw ang dagat. Pagdating naman ng gabi, at tila napaka-romantic naman nito, dahil sa mga ilaw na mula sa mga bahay at establisyemento sa isla.



Hindi naman kataka-taka kung bakit napa-ibig ang aktres sa lugar kung saan nakatayo ang kanyang tahanan, dahil sadya namang napakaganda at tila paraiso ang isla ng Boracay.
Isa pa marahil sa naibigan ni Alice sa paninirahan rito, ay dahil sa malayo ito sa ingay, stress at polusyon.Ano ang masasabi niyo sa napakagandang tahanan ng aktres na nasa mala-paraisong isla ng Boracay?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *