Silipin Ang Tahanan Ng Mag-Asawang Solenn Heussaff At Ang Asawang Si Nico

Ipinasilip ni Solenn ang kanilang tahanan ni Nico sa kanyang youtube channel, kung saan pinakita niya ang kabuuan ng loob nito.




Sa kanyang video ay makikita ang kanilang simpleng dining area, kung saan may 5-seaters dining table at napakagandang chandelier. Sa tapat ng hapagkainan ay isang glass door kung saan habang kumakain ay natatanaw mo ang paligid sa labas.

Image Credit via Google

Black, a tinge of orange, blue at beige ang mga kulay na makikita sa kanilang dining area. Na kung saan nagbigay dito ng simple pero elegante ng tingnan sa mata ng bawat taong bumisita dito.

Image Credit via Google

Ang kanilang TV area naman ay napakasimple at parang hindi ka maasiwa gumalaw. Ayon kay Solenn, ang decorating design na ginawa niya sa kanilang TV area ay junglee, Moroccan chic, Havana and homey.

Image Credit via Google

Makikita rin ang mga paintings ni Solenn na nakadisplay sa may bandang hagdan ng kanilang bahay. Hindi rin mawawala ang halaman sa loob ng bahay ni Solenn, dahil ayon sa kanya ang mga ito ay isa sa mga nagbibigay buhay sa bawat tahanan.

Image Credit via Google

May mga halamang makikita sa staircase pababa sa kanilang bathroom. Ayon din kay Solenn ang Nest Plant Studio, ang isa sa tumulong sa kanya sa pagpili ng magagandang halaman na babagay sa bawat parte ng kanilang bahay.

Image Credit via Google

Ang mga matress naman nila ay binili nila sa Magniflex mattress dahil para sa kanya isa ito sa may magagandang quality ng matress na kung saan ay makakapag pahinga at makatulog ka ng maayos.

Image Credit via Google

At bago pa matapos ang kanyang video ay nagbigay si Solenn ng advice sa mga future homeowners, na bago lumipat sa bagong bahay ay tingnang mabuti ang connection ng tubig lalong lalo na ang kuryente kung maayos ba ang pagkakabit ng linya ng mga ito.




Naikwento din ni Solenn na bago sila lumipat sa multi-story house nila ni Nico ngayon, ay dati silang sa isang condo unit nakatira. At ang kanilang bagong tahanan ay siya mismo ang nagplano ng renovation at nag ayos ng mga gamit para hindi masyadong gumastos.

Para magawa ang mga ito ay bumisita si Solenn sa mga home stores at All Home frequently, ikuwento din niya na may mga kaibigan sila ni Nico na tumulong sa kanila sa paglipat ng kanilang mga kagamitan sa kanilang bagong bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *