Silipin Ang Tahimik Na Pamumuhay Ng Dating Seksi Aktres Na Si Joyce Jimenez Sa Amerika

Isa sa mga naging pantsaya ng bayan noong dekada 90 ang aktres at sexy star na si Joycce Herrin Reintegrado Egbalic o mas nakilala nga ng publiko sa mundo ng showbiz bilang si Joyce Jimenez. Ang kanyang mala-dyosang kagandahan at kaakit-akit na kaseksihan ang naging daan upang siya ay maging isa sa mga popular na personalidad sa showbiz.




Ang kanyang mga magulang ay parehong Filipino migrant sa sa Los Angeles, California na sina Gloria at Armando Reintegrado. Isinilang si Joyce Jimenez sa nasabing bansa noong ika-21 ng Marso taong 1978. Lumaki sa Amerika at nag-aral sa Bishop Amat High School si Joyce, ngunit hindi nagtagal ay nagdesisyon siyang manirahan sa Pilipinas.

Photo Credit: elyegbalic/Instagram

Bago pa man pasukin ni Joyce Jimenez ang mundo ng pag-aartista ay naging madalas muna ang pagsali niya sa mga pageant. Hanggang sa noong ngang late 90’s hanggang early 2000’s ay umarangkada na ang kanyang karera, kung saan ay sunod-sunod na mga proyekto at endorsement ang kanyang natanggap.

Photo Credit: elyegbalic/Instagram

Isa sa mga pelikula niya na talaga namang naging patok at pinilahan sa takilya ay ang “Scorpio Nights.” Ilan naman sa mga nag-gagwapuhang aktor sa showbiz na kanyang nakatambal sa mga proyekto ay sina Richard Gomez, Albert Martinez, Jomari Ylana, Piolo Pascual at Diether Ocampo.

Photo Credit: elyegbalic/Instagram

Taong 2007 ng huling maging cover girl sa isang men’s magazine si Joyce, hanggang noon ngang taong 2008 ay pinili niyang tuluyan ng iwanan ang kanyang showbiz career upang magkaroon ng pribado at mas tahimik na buhay lalo pa’t siya nga ay magpapakasal na.

Photo Credit: elyegbalic/Instagram

Matapos iwanan ang kanyang kasikatan at karera sa showbiz, ay ikinasal siya sa kanyang asawang half Filipino-American na si Paul Ely Egbalic na isang miyembro naman ng Air Force sa Amerika.

Photo Credit: elyegbalic/Instagram

Ang mister ni Joyce Jimenez na si Paul Agbalic ay ipinanganak sa Pilipinas sa lugar ng Quezon City, ngunit dahil sa isang US Navy ang ama nito, ay nag-migrate ang kanilang pamilya sa bansang Amerika nu’ng ito ay apat na taong gulang pa lamang.

Si Joyce Jimenez at Paul Agbalic ay ikinasal sa Saint Lorenzo Ruiz, Walnut California, at ang kanilang pagsasamang mag-asawa ay nabiyayaan na ng tatlong mga anak, ito nga ay sina Jorja Ely, Jansen Elise at Julian Elysson.

Base naman sa ilang mga ulat, noon umanong nasa showbiz pa si Joyce at kumikita pa ay nakapagpundar ito ng ilang mga negosyo, dahil alam niya na ang karera sa showbiz ay hindi permanente. Ang mga negosyo na napundar ng aktres ay lingerie at beauty products, na hanggang ngayon ay kanya pa ring pinagkakaabalahan.

Sa kabila ng pagkawala ni Joyce sa mundo ng showbiz, ay may mga nakukuha pa rin namang impormasyon ang kanyang mga tagasubaybay sa kung ano na ang kanyang buhay ngayon. Kagaya na lamang ng mga ibinabahagi ni Joyce at ng kanyang asawa sa social media na nagpapakita kung gaano ito kasaya at kakuntento sa buhay nila ngayon sa bansang Amerika kasama ang kanilang mga anak.




Ayon mismo kay Joyce ay malabo na siyang bumalik sa showbiz, ngunit bukas naman siya sa mga guestings. Hindi rin umano siya nagsisi na tinalikuran niya ang kasikatan at karera niya noon dahil para sa kanya ay hindi matutumbasan ng mga ito ang kasiyahan na ibinibigay sa kanya ng pamilyang mayroon siya ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *