Silipin Ang Mga Nakakatuwang Throwback Photos Ni Manny Pacquiao

Lahat naman siguro sa atin dumaranas ng mga pagsubok sa buhay. Maliit man o malaking mga pagsubok, lahat tayo ay natikman na ang hagupit ng buhay. Wala naman sigurong ni isang tao ang hindi pa nakakaranas ng mga pagsubok sa buhay. Kaya naman, hindi na ito bago na ideya sa ating lahat. Pero, ang bagay na makakabili dito sa mga ganitong kwento ay kung paano sila bumangon sa mga pagsubok at kung paano nila napagtagumpayan ang hamon ng buhay.

Photo Credit: mannypacquiao/Instagram




Ang mga kwentong ito ng pagbangon ang naging inspirasyon natin upang bumangon din sa mga sarili nating pagkalugmok sa dulot ng pagsubok na ating pinagdaanan. Kadalasan, dugo’t pawis ang kailangan mong ialay upang makamit mo ang tagumpay. Walang tagumpay na malinis ang nakukuha ng panandalian lamang.

Photo Credit: mannypacquiao/Instagram
Photo Credit: mannypacquiao/Instagram

Maliban sa pagiging “hospitable” nating mga Pilipino, kilala rin tayo dahil sa ating katapangan. Tapang sa pakikipaglaban sa mga pang-aapi sa atin ng ibang bansa, at siyempre, ang tapang rin natin sa mga pagsubok. Kaya naman, nakilala ang Pilipinas dahil sa tapang at galing nito lalo na nang umusbong ang karera ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa larangan ng boksing.

Photo Credit: mannypacquiao/Instagram

Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat kung ano ang pinagdaanan ni Pacman bago niya makamit ang buhay na meron siya ngayon. Ipinanganak bilang si Emmanuel Dapidran Pacquiao sa isang mahirap na pamilya sa Bukidnon. Pang Apat sa anim na magkakapatid, hindi inakala ng kanilang hiwalay na magulang na si Pacman na pala ang mag-aangat sa kanila mula sa kahirapan noon.

Bago pa man tuluyang lumago ang kaniyang karera bilang boksingero, pinakasalan niya si Jinkee Zamora. Matapos ang kanilang kasal at ng kanyang tagumpay na karera sa boksing, nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng limang anak na sina Jimuel, Michael Stephen, Princess, Queenie at si Israel.

Photo Credit: mannypacquiao/Instagram

Nitong nakaraan lamang, binahagi ni Pacquiao sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account ang isang lumang litrato kung saan makikita ang batang Pacman na nag eensayo noon. Bilang isang taong lumaki sa hirap, kailangan niya raw nakipaglaban upang may makain ang kanyang pamilya. Isa itong manipestasyon na sa kahit anong hirap ng ating buhay, kailangan nating bumangon hindi lang para sa atin kundi para na rin sa ating pamilya.

Photo Credit: mannypacquiao/Instagram




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *