Silipin Ang Unang Pagsabak Bilang Firefighter Volunteer Ng Aktor Na Si Wendell Ramos

Noon ngang June 30 ng kasalukuyang taon, ay masayang ibinahagi ng aktor ang kanyang naging matagumpay na pagtatapos sa kanyang training bilang isang volunteer firefighter at maging certified firefighter member ng firefighter team na Ang Bumbero ng Pilipinas.



Sa kanyang social media account ay ibinahagi ng 41-taong gulang na aktor, na si Wendell Ramos, ang kanyang karanasan at nararamdaman ng una siyang sumabak sa pagiging isang firefighter volunteer.
Matapos nga ang isang matagumpay na naging pagresponde ng grupo nina Wendell sa isang naganap na sunog, ay hindi maipaliwanag ng aktor ang kanyang nararamdaman.
“Felt sorry for the people and community we responded today”, ang ibinahagi ng aktor sa isang larawan na kanyang ipinost na kuha sa aktwal na pangyayari kung saan may nirespondihan silang sunog.
“First day of duty as a volunteer firefighter. Mixed emotions.”
“But I am thankful for the guidance of my fellow #ABPangbumberongpilipinas #PHSfireout”, dagdag pa nga aktor sa kanyang post.
Hindi nga maipaliwanag ng aktor kung ano ang kanyang mararamdam sa unang naging pagsabak niya sa kanyang tungkulin, inamin din nito na sa una, ay talagang nakaramdam siya ng takot ngunit nagpapasalamat siya dahil sa tulong ng kanyang mga kasamahan ay matagumpay niyang nagawa ang mga dapat niyang gawin bilang isang firefighter volunteer at matapang niyang hinarap ang takot na kanyang nararamdaman.
“When you’re working as a team and alam mo yung mga kasamahan mo hindi ka iiwan, at alam ‘nyong tama yung ginagawa niyo para may mailigtas kayo, may matigil kayong disaster, gagawin niyo po lahat”, naging saad pa nga ng aktor sa kanyang Instagram post.



Matatandaan na sa isang naging panayam ng 24 oras sa aktor, ay sinabi nito na kaya siya nagdesisyon na maging isang volunteer firefighter ay dahil isa ito sa naisip niyang paraan to giving back sa ating mga kababayan.
Kwento pa ng aktor, sa kanyang naging training ay hindi siya nakaranas ng anumang special treatment, kaya naman proud siya na talagang pinaghirapan niya training niya.
Ibinahagi rin ni Wendell na maliban sa pagiging isang volunteer firefighter, ay plano rin niyang mag training sa rescue work.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *