Silipin Ang Walk In Closet Ng Aktres Na Si Dianne Medina Na Mala-Mall Boutique Ang Ganda

Pinapangarap nga naman ng maraming kababaihan ang magkaroon ng sariling walk-in closet sa kani-kanilang tahanan, ngunit tila mas papangarapin ng maraming mala-kikay na kababaihan ang tulad sa walk-in closet ng 33-taong gulang na aktres na si Dianne Medina.




dahil sa disenyo, laki, ganda at pagka-organize nito na tila isang boutique sa mga mall.
Noong May-22 ay ipinasilip ni Kapuso actress Dianne Medina sa kanyang mga tagahanga at followers sa Instagram ang kanyang walk-in closet, na kung saan ay hinahangaan ng marami dahil sa laki at ganda nito.

Photo Credit: dianne_medina/Instagram

Maging mga kapwa artista nga ni Dianne ay namangha sa walk-in closet ng aktres, at ang iba pa nga rito ay nagbigay ng kani-kanilang positibong komento.

Photo Credit: dianne_medina/Instagram

“Taray ng closet mo, mars ”, ang naging komento ng aktres na si Max Collins. “Dream closet ko yan, mars Gandaaaaa,” namanghang komento naman ni Melissa Ricks.

Photo Credit: dianne_medina/Instagram

Marami ring mga netizens ang talaga namang nagandahan, napamangha at napa-wow sa bonggang walk-in closet na ito ni Dianne Medina, at ang ilan nga sa kanila ay hindi nakatiis na hindi magbigay ng komento ukol dito.

Photo Credit: dianne_medina/Instagram

“Wow, miss Dianne, parang may shop ka ng damit at bags, a. Ganda ng closet mo, Sosyal.”
“Parang store ng isang mall. Ka-ganda super.” Hindi nga lamang ang mala-mall boutique na pagkaka-ayos ang nakamamangha sa walk-in closet na ito ni Dianne Medina, dahil ayon sa PEPH.ph, ilan sa makikita sa glamorosong dressing room na ito ng aktres ay mga mamahaling bag at mga damit.

Photo Credit: dianne_medina/Instagram

Isa nga sa mga makikitang mamahaling bags na kabilang sa mga gamit ng aktres ay ang jumbo Chanel Quilted Jersey Classic Flap Bag na nagkakahalaga ng USD4,174 – PHP 212,187,

Photo Credit: dianne_medina/Instagram

 

At hindi nga lamang ito, dahil mayroon pang dalawang Chanel Petite Shopping Totes, Black and Burgundy ang aktres.

Photo Credit: dianne_medina/Instagram

Mayroon din siyang Louis Vuitton Multicolor Alma PM bag na nakakalula rin ang halaga dahil ito ay umabot ng USD2,252 o PHP113,109,Sa naging pagbabahagi ng aktres sa kanyang walk-in closet, ay ibinahagi din niya sa isa niyang post na ang iba sa kanyang mga damit na hindi na kasya sa kanya ay kanya ng ibebenta, kung saan ang ilan sa mga ito ay slightly used at ang iba naman ay brand new pa.

Photo Credit: dianne_medina/Instagram

Ilan nga sa makikitang mga designer goods na ipinost ng aktres sa kanyang @diannemedinashop ay ang Michael Kors Bedford Bag at Marc Jacobs crossbody bag na nagkakahalaga ng PHP15,000 ang bawat isa. Maging ang black Gucci Swing Zip Around wallet ni Dianne, ay naka-sale na rin sa halagang PHP18,000.

Marami pa nga sa mga mamahaling bags at mga damit ng aktres ang kanyang binebenta na sa kanyang social media page, kaya naman marami ring mga followers ang nag-aabang na mabili ang ilan sa mga ito.




Matatandaan naman na si Dianne Medina, ay ikinasal na sa kanyang longtime boyfriend na si Rodjun Cruz noong December 21, 2019 at matapos nga ang kasal ay agad na naninirahan ang mag-asawa sa kanilang bagong gawang mansion.

Ilang buwan matapos ng pagpapakasal, masaya namang ibinalita ng mag-asawang Dianne Medina at Rodjun Cruz noong April 12, 2020, ang pagbubuntis ni Dianne at ayon pa sa mag-asawa, sa September 2020 ay ipinanganak na ang una niyang supling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *