Silipin Ang Walk-in Closet Ng Artistang Si Julia Barreto

Nakapag Lipat na nga sa kanyang bagong tahanan ang aktres na si Julia Barretto.
Kamakailan nga ay ipinasilip ng aktres ang kanyang walk-in closet sa tahanan niyang ito.
September 27, 2019 ng unang ipasilip ng aktres ang kanyang walk-in closet, kung saan ay halos kalilipat pa lamang niya sa kanyang bagong tahanan.

Photo Credit: juliabarretto/Instagram




“Can’t believe that I’m 100 % done moving into my new home! As much as I want to stay, a long planned-getaway is calling soon.” Isa sa mga caption ng aktres sa larawan na kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram matapos ang kanyang paglilipat sa kanyang bagong bahay.

Photo Credit: juliabarretto/Instagram

At nitong nakaraan nga November 8 ay muling nagbahagi ang aktres ng panibagong larawan na kung saan siya ay nag selfie habang nakaharap sa kanyang salamin, na nilagyan nya ng caption na “Art Night.”

Photo Credit: juliabarretto/Instagram

Makikita sa larawan ang kanyang walk-in closet na kung saan ito ay minimal layout na wood at white theme. Makikita rin sa larawan ang kanyang cabinets na may full-length mirror at may three-tier display shelf.

Makikita rin na may pull-out drawers sa may display shelf ng aktres, na kung saan ito ang nagsisilbing lagayan niya ng kanyang mga accessories. Sa kanyang vlog naman ay ipinahihiwatig ng aktres ang kanyang saying nararamdaman sa pagkakatulad ng kanyang pangarap na ipinagawa ang kanyang bahay.

Photo Credit: juliabarretto/Instagram

“I’m moving into my first ever home that I built with my own money that I worked hard for from the age of six years old.” “And nobody can take credit for it because I know in my heart I just know that I worked so hard for this place.”

Photo Credit: juliabarretto/Instagram

“And it’s not just because of anybody, it’s not built by anybody else. It’s hard work. Sweat and tears. Nosleep. That’s what built my house.” Ang naging pahayag ng aktres sa kanyang vlog.




Kakaibang saya nga ang nararamdaman ng aktres na si Julia, dahil ang kanyang bagong bahay na kung saan na siya nakatira ngayon ay nagmula sa pera ng kanyang pinaghirapan pagtrabahuan. Masaya siya na ang bunga ng bawat pagod, pawis, luha at puyat niya sa pagtatrabaho ay kanya ng nakikita at ngayon ay natitirhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *