Silipin Ang Weekend Get Away Ni Angelica Panganiban Kasama Ang Kanyang Non Showbiz Boyfriend

Tila nga masayang-masaya at puno ng kulay ang buhay pag-ibig ngayon ng aktres na si Angelica Panganiban sa piling ng non-showbiz boyfriend niyang si Gregg Homan.




Hindi man madalas na isapubliko ng aktres ang kanilang pag-iibigan ay makikita naman sa mga ibinabahagi niyang larawan sa kanyang Instagram kung gaano kasaya ang relasyon nilang dalawa ng nobyo.

Photo Credit: iamangelicap/Instagram

Kagaya na nga lamang nito ng nakaraang linggo, kung saan ay tinapos niya ito kapiling ang boyfriend niyang si Gregg Homan, na tila nga isang “perfect week” para sa kanilang dalawa.
Noon nga lamang nakaraang araw ng Biyernes, ika-18 ng Hunyo ay nagbahagi si Angelica ng mga larawan niya kasama ang boyfriend niyang si Gregg Homan, kung saan silang dalawa ay nasa isang yate.

Photo Credit: iamangelicap/Instagram

Makikita sa unang larawan na ibinahagi ng aktres na siya ay naka-kiss sa pisngi ng kanyang non-showbiz boyfriend, ay sa ikalawa namang larawan ay makikita naman na punong-puno ng ngiti ang mga labi nilang dalawa habang nakaharap sila sa hawak na kamera ni Gregg.

Photo Credit: iamangelicap/Instagram

“Had a perfect week. Better to have a weekend jazz like that”, ang naging caption ni Angelica sa mga larawan. Wala namang anumang detalye na binaggit ang aktres kung saang lugar sila nagkaroon ng perfect week ng kanyang boyfriend na si Gregg, ngunit batid naman ng marami sa atin na ang non-showbiz boyfriend niyang ito ay naka-base ngayon sa Subic, Zambales.

Photo Credit: iamangelicap/Instagram

Kinaligan naman ng marami ang mga larawan na ito ng magkasintahan, kagaya na lamang ng mga malalapit na kaibigan ni Angelica sa showbiz, na hindi napigilan ang magbigay komento upang ipabatid kung gaano sila kinilig sa post ng aktres.

Ilan nga sa mga makikitang artista na nagbigay ng komento sa post ni Angelica na nag-iwan pa nga ng mga heart emojis ay sina, Angel Locsin, Kim Chiu, Diego Loyzaga, Isabel Oli, Maxene Magalona, Melai Francisco, Isabelle Daza, Sunshine Garcia at Bea Alonzo.

“sabi ko na ikaw talaga nag Baby Girl eh”, ang naging komento ng kaibigan ni Angelica na si Pooh. “So pretttyyyy momsy”, ang komento naman ng BFF niyang si Bela Padilla.

Buwan ng Nobyembre taong 2020 ng maiiapubliko ang pagkakaroon ng kapalitan ng sweet messages ni Angelica sa Instagram, at dito na nga nagsimula ang hinala na ang aktres ay mayroon ng karelasyon.




Kinumpirma naman ni Angelica na nobyo niya si Gregg Homan noong ika-1 ng Enero 2021, matapos niyang mag-post ng larawan kung saan ay nasa tabing-dagat sila at naghahalikan. Ngunit sa pagkakataon na ito, ay hindi pa nga gaanong maaninag ng publiko ang hitsura ni Gregg.

Tuluyan naman pinangalanan ni Angelica kung sino ang kanyang nobyo noong ika-5 ng Pebrero ng kasalukuyang taon, kasabay nito ay nagbahagi rin siya ng isang couple photo, kung saan ay nakita na nga ng publiko ng malinaw ang hitsura ng kanyang nobyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *