Silipin At Ma-Inlove Sa Modernong Laidback House Ni Jericho Rosales

Para sa aktor at businessman na si Jericho Rosales na busy sa iba’t ibang gawain niya sa araw-araw tulad ng pamamalakad niya sa kanyang negosyo o kaya sa mga hilig niyang gawin tulad ng motorcycling at surfing ay nais niyang umuwi sa kanyang tahanan na kung saan siya ay maayos na makakapag pahinga at makakapag relax dahil relaxing space na mayroon dito.

Image Credit via Google




At isang tahanan na may quick respite outdoors, o kaya naman ay lugar kung saan sila ay maaaring maglaan ng oras sa isa’t isa ng kanyang asawang si Kim Jones.

Image Credit via Google

Kaya naman talagang sa tahanan na ito nina Jericho at Kim ay masasabing ito talaga ang gusto nilang disenyo at ayos nito, isang modern house na may clean lines, jalousie windows, at espasyo na kung saan ay maaari silang magpahinga, mag relax o mag-imbita ng mga kaibigan.

Image Credit via Google

Isa pa nga sa kanais-nais sa tahanan na ito ng aktor, ay dahil mayroon itong tiny nooks kung saan ay maaaring mag-enjoy sina Kim at Jericho sa pagkakape habang nagkukwentuhan na pinagmamasdan ang kapaligiran.

Image Credit via Google

May isang bahagi rin sa tahanan na ito na ilang hakbang lang mula sa first floor ay makikita mo ang isang tahimik na parte ng bahay na kung saan ay pwedeng maging reading function dahil mayroon round table marble at upuan dito.

Image Credit via Google

Hindi rin naman mawawala ang pool area sa tahanan na ito ni Jericho kung saan ay mayroong long table at wooden benches sa may gilid na parang ang dating ay isang hip hang outs sa isang beach.

Image Credit via Google

Kaya naman ay madalas na mag-imbeta sina Kim at Jericho ng kanilang mga kaibigan upang mag-get together sa may outdoor area na perfect para sa BBQ nights’ o kaya naman ay pool party.




Hindi nga magiging katakataka kung ang mga kaibigan nina Kim at Jericho ay naisin na magstay rito upang mag relax o tumambay dahil sa napaka relaxing at cozy sa parte na iyon ng bahay ng mag-asawa.

Image Credit via Google

At dahil nga sa parehong mahilig ang dalawa sa nagtatampisaw sa tubig, ay madali lang para kay Kim at Jericho ang tumalon sa kanilang swimming pool upang mag-enjoy at makapag-araw.

Dahil na rin sa magagandang sturdy outdoor furniture at mga halamang nakapalibot sa bahaging ito ng kanilang tahanan, ay talaga namang ito ang pinaka best spot sa kanila ng mag-asawa para mag-enjoy sa mga bakante nilang oras o araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *